Lumipas pa ang mga araw ngunit mas lalo lamang naging doble ang problema ni Cameron, sapagkat sunod-sunod ang naging problema sa kompanya. Isama mo pa rito na paisa-isa ng nag-pull out ang ilan investor niya nang bigla na lamang kumalat ang tungkol sa kompanya. Nagtataka man kung sino ang nagpakalat tungkol sa problema sa kompanya, may ideya na si Cameron kung sino ang may kagagawan nito. Kung kaya't hindi maiwasan ni Cameron na makaramdam ng inis, lalo na't pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang ginigipit ng pamilya ni Selena pumayag lamang siya sa kagustuhan ng mga ito. Kahit na ganoon hindi pa rin susuko si Cameron sa paghahanap ng solusyon huwag lang tuluyang bumagsak ang kaniyang kompanya, kahit na ang ilang nilapitan niya na minsan na niyang tinulungan ay binalewala lamang siya. Isama

