Chapter Twelve

1683 Words
NAGPAPASALAMAT si Resen na kasama niya si Snicker nang nagpunta siya sa ospital matapos sabihin sa kanya ng tita niya na naaksidente ang kanyang mommy. Kung wala ang binata, baka wala pa man din siya sa ospital ay nag-break down na siya. But he was with her, and he held her tight. Nang makarating sila sa ospital, nakahinga siya ng maluwag nang makitang minor injuries lang ang natamo ng mommy niya mula sa pagkakabangga ng dina-drive nitong sasakyan sa poste nang nasira ang brake. Bukod sa tinahing sugat sa gilid ng ulo nito at ilang pasa sa braso, wala nang ibang natamong injury ang kanyang ina. Gayunman, pumalahaw pa rin siya ng iyak. Nagka-trauma na yata siya dahil noong nasa elementarya siya, nang tinawagan ng mommy niya ang teacher niya at sinabing nasa ospital ang daddy niya, nang dumating siya ay pumanaw na ang ama niya. Natakot siya na baka gano'n din ang abutan niya sa ospital. Tumahan lang siya nang yakapin siya ni Snicker at bulungan ng kung anu-anong nakakahiyang ginawa nila no'ng nasa high school sila para tumahan siya. Pagkatapos niyang "sermunan" ang mommy niya tungkol sa pagmamaneho nito at hindi pag-check sa sasakyan bago gamitin, ang ina naman niya ang sumita sa tahi sa noo niya. Bago pa akuin ni Snicker ang kasalanan ay inunahan na niya ang binata. "This is just a small accident, Mom," paiwas na sagot ni Resen. "Okay lang ako. Ikaw ang pasiyente dito kaya let me take care of you, okay?" Her mom rolled her eyes at her. "I'm fine. You're just overreacting." Gusto sanang sabihin ni Resen na naalala niya ang nangyari sa ama niya, pero ayaw naman niyang sirain ang magandang mood ng mommy niya. Nilingon niya si Snicker na tahimik lang na nakaupo sa couch. "Hey, big guy. Kanina ka pa dito. Baka hinahanap ka na ni Tita Sally. Pagalitan ka pa ng mommy mo," anito na ang tinutukoy ay ang ama ng binata. "Kaya ko nang bantayan si Mommy. Pabalik naman na ang tita ko mayamaya." "Nagtext na ko kay Mommy at nagpaalam na mag-i-stay muna ko dito para samahan kayo ni Tita Rea," sabi ni Snicker."Mas magagalit si Mommy kung iiwan ko kayo rito. Isa pa, hindi naman ako makaalis ng ganito ang sitwasyon. I care for your mom, too, baby girl." "That's so sweet, hijo," nakangiting sabi ng kanyang mommy. "Thank you." Ngumiti si Snicker. "No problem, Tita." Napangiti si Resen. Sino ba naman ang mag-aakala na magiging close sina Snicker at ang mommy niya na parang mag-ina na gayong noong nasa high school sila ng binata, tutol ang kanyang ina sa pagkakaibigan nila? Naalala niya no'ng unang araw na dalhin niya si Snicker sa bahay nila. Pinapatawag kasi sa principal's office ang mommy niya dahil nakasagutan niya ang teacher niya dahil sa pang-aapi kay Snicker. Gusto sanang personal humingi ng tawad ng binata sa kanyang ina dahil nadamay siya sa mga issue nito. Naging civil naman ang pagharap ng kanyang mommy kay Snicker no'n. Naaalala pa niya ang sinabi ng kanyang ina ng araw na 'yon... "Anak, kilala mo ba kung sino ang ama ng kaibigan mo?" tila takot na takot na tanong ng kanyang ina. Pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha niya, ang balikat niya, ang mga kamay niya na parang iniinspeksyon siya. "Wala ba siyang ginagawang masama sa'yo? Huwag na huwag kang pupunta sa lugar ng batang 'yon at baka kung anong gawin sa'yo ng pamilya niya. Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa mga tulad niya!" Nagtampo si Resen sa kanyang ina no'n. Mas lalong sumama ang loob niya nang pagbalik niya sa sala, wala na si Snicker. Malamang ay narinig nito ang mga sinabi ng kanyang ina kaya umalis ng walang paalam ang binata. Simula ng araw na 'yon, umiwas na rin sa kanya si Snicker kaya kahit magkaklase sila ay bibihira silang magkasama o magkausap. Hanggang sa isang araw, muntik nang ma-holdap ang kanyang ina sa car space ng isang malaking grocery store. Mabuti na lang, naroon din si Snicker na sinamahan mamili ang ina nito. Nang makita ng binata ang nangyayari, walang pag-aatubili nitong tinulungan ang mommy niya. dahil sa nangyari, nasaksak si Snicker. Hindi naman malalim ang sugat na natamo nito kaya nang isugod sa ospital, naging maayos din agad ang lagay ng binata. Ang mas nakakatuwa pa, hindi sinisi ni Tita Sally ang kanyang ina. Sa halip ay natuwa pa ito sa ginawa ni Snicker na labis nitong ipinagmalaki. Pagkatapos ng insidenteng iyon, naging mabuti na ang mommy niya kay Snicker. Mula sa pagiging anak ng criminal ay naging hero na ang tingin ng kanyang ina sa binata. Maging si Tita Sally ay naging close friend na rin ng kanyang mommy. Naputol ang pagmumuni-muni ni Resen nang marinig ang malakas na pagtawa ng kanyang ina sa anumang birong binitawan ni Snicker na in-a-adjust naman ang posisyon ng kama para makapanood ng TV ang kanyang mommy. No'n niya naalalang may dapat siyang gawin. Tumayo siya. "Mom, Snicker, I'll just make a phone call. May gusto ba kayong ipabili habang nasa labas ako?" Pagkatapos umungot ng kape ng kanyang mommy samantalang wala namang pinabili si Snicker, lumabas na siya ng hospital room. Dumeretso muna siya sa emergency exit at umupo sa hagdan habang tinatawagan si Winston. Pero agad ding namatay ang excitement na nararamdaman niya nang bumungad sa kanya ang nayayamot nitong boses. "Resen, I don't have all day. It better be important." Napasimangot si Resen. "Na-receive mo ba ang text ko? Naaksidente ang mommy ko." Narinig niyang bumuga ng hangin ang binata sa kabilang linya. "Resen, hindi ako doktor. Ano naman ang magagawa ko kung naospital ang mommy mo? Isa pa, sinabi mo naman nang minor accident lang 'yon, 'di ba?" Hindi makapaniwala si Resen sa mga narinig. Sa pagkakatanda niya, naging napakabuti ng kanyang mommy kay Winston sa buong durasyon ng pagde-date nila ng binata. Kaya hindi niya inasahang babale-walain ng lalaking ito ang nangyari sa ina niya. Kahit pa sabihing minor accident "lang" ang nangyari sa mommy niya, hindi ba naisip ni Winston na baka nayanig siya sa nangyari? Ni hindi nga nito kinamusta ang kalagayan niya. Ng mga sandaling iyon, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Makakaya niya ang pambabale-wala sa kanya ni Winston. Pero ang malamang wala itong ni katiting na pag-aalala at malasakit sa kanyang ina, nakakadismaya. Ang tanga-tanga niya para patuloy na habulin ang isang lalaki na wala naman palang pakialam sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Bakit pa siya mag-aaksaya ng oras kay Winston kung ganito ang trato nito sa pamilya niya? Lahat ng taong hindi marunong pahalagahan o irespeto ang kanyang ina, ay wala ring karapatang manatili sa buhay niya. "Actually, hindi lang naman 'yon ang reason ko kaya ako tumawag sa'yo," buong determinasyon na sabi ni Resen, nanggagalaiti sa galit. "This is about our relationship. Congratulations, babe! Natauhan na ko sa wakas. Mula sa pagiging cool-off ay officially over na tayo. Kaya hindi mo na kailangang mag-alala dahil simula ngayon, buong-puso na kitang kalilimutan. In fact, while I'm making this call, nakaka-move on na ko. So, good-bye!" Tumaas-baba ang dibdib ni Resen nang putulin na niya ang tawag. Humapdi ang mga mata niya dahil sa mga luha at sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. Sa sobrang galit niya, naninikip ang dibdib niya. Hindi siya umiiyak dahil nasasaktan siya sa pakikipaghiwalay kay Winston. Oo, may kurot iyon. Pero mas nangingibabaw ang galit niya. Hindi siya makapaniwalang binaba niya ang self-respect niya para sa lalaking kagaya ni Winston. Sa isang taong relasyon nila, napakabilis nagbago ng binata. When she met Winston, he used to be a perfect gentleman. Ramdam naman niya na nitong mga huling buwan ay naging malamig na ang binata. Hindi na nito ginagawa ang mga little things na nagpapakilig sa kanya noon. Simula nang naging sila, madalas na siya nitong ma-take for granted. Matitiis sana niya 'yon. Pero ngayong ipinakita ni Winston na wala itong pagmamalasakit sa kanyang ina, hindi niya 'yon mapapalagpas. Nakakasama ng loob na sa kabila ng kabutihan ng kanyang mommy sa lalaking 'yon, iyon lang ang igaganti ng binata. "Baby girl?" Nag-angat ng tingin si Resen. Nang makita si Snicker na nakatayo sa harap niya habang nakatingin sa kanya na may pag-aalala sa mukha, mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya gamit ang mga kamay. Pilit siyang ngumiti. "Hey, big guy." Nanatiling nakakunot ang noo ni Winston. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya at marahang hinaplos ng kamay ang pisngi niya. He gently wiped away her tears with his thumb. "Sinong nagpaiyak sa'yo?" Natawa si Resen pero wala iyong buhay. "Bakit ba sa tuwing umiiyak ako, "sino" agad ang nagpaiyak sa'kin ang tanong mo himbis na "bakit" ako umiiyak?" Lalong nagdilim ang anyo ni Snicker. "Kasi wala akong pakialam sa rason ng taong nanakit sa'yo. Basta pinaiyak ka niya, sapat nang dahilan 'yon para upakan ko siya." Sapat na ang mga salitang iyon para mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Resen ng mga sandaling iyon. Nakangiting umiling siya para mapanatag na si Snicker. "Walang nagpaiyak sa'kin, Snicker. Na-relieve lang ako na walang masamang nangyari kay Mommy kaya nag-break down ako ngayon." Halatang hindi kumbinsido si Snicker sa paliwanag niya, pero hindi na ito nagkomento. Iniba na ni Resen ang usapan. "Bakit mo nga pala ako sinundan? May nangyari ba kay Mommy?" Umiling si Snicker, nakasimangot. "Nakabalik na kasi ang tiyahin mo na may dalang mga damit para kay Tita Rea. Alam mo namang hindi gustong nakikita o nakakasama ng tita mo ang tulad kong anak ng isang kriminal dahil pakiramdam niya, bigla na lang magwawala ang genes na namana ko sa tatay ko at aatakihin ko siya." Kumirot ang puso ni Resen sa pait na nahimigan niya sa boses ni Snicker. Kahit ilang taon na ang lumipas, maraming tao pa rin ang hindi nakakalimot sa kasalanan ng ama ng binata. At napakarami pa rin ang natatakot na lumaki rin ang best friend niya bilang isang kriminal. Na alam niyang imposibleng mangyari dahil napakabuti ng lalaking ito, lalo na sa kanya at sa kanyang mommy. Hinawakan niya ang kamay ni Snicker. "Huwag mo na lang pansinin si Tita. I love you, Snicker, for whoever or whatever you are. You know that, right?" Tumango si Snicker, lumamlam ang mga mata. Dinala nito ang kamay niya malapit sa bibig nito para halikan ang palad niya. "That's all that matters to me, Resen. And I love you, too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD