Frances POV Nagkekwentuhan sila tita at nakamasid lang ako sa kanila. Pag nandito talaga si tita ay mas napapagmasdan ko sya. Mas jolly kasi sya kapag kausap nya si tita. Tapos nakikita ko pa yung iba’t ibang sides nya kagaya na lang ng muntik na nyang pag-iyak kanina. Lately.. ayoko na syang tawaging stepmom. Hindi ko alam kung bakit pero, mas gusto ko ng itawag sa kanya yung nickname nya. Diba matagal naman nya talaga yun na gustong itawag sa kanya? Iniinis ko lang naman kasi sya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng stepmom eh. Bukod don hindi din naman nanay ang tingin ko sa kanya. Kaya nagdecide na akong itawag na lang sa kanya yung nickname nya hehehe. “Maiba ako, bakit nandito ka Frances?” napa-ayos ako ng upo dahil hindi malamabing ang pagbanggit ni tita sa pangalan ko. “P –

