Col’s POV Dumiretso ako sa condo ni Danica at dito ko balak matulog. Ayoko muna kasing umuwi sa bahay ni France. Wala lang gusto ko lang. “Hey, dito ako matutulog.” Pambungad ko kay Danica pagpasok ko pa lang dito sa condo nya. “What? Pano si Frances?” “Anong pano si Frances? Bakit? Nasa akin ba yung kama nya para itanong mo sakin kung paano sya?” pamimilosopo ko sa kanya na agad nyang ikinabato sakin ng unan. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinarap ako sa kanya. “I know this attitude. Bakit inis ka? Hindi ba maganda pag-uusap nyo ni kuya?” tanong nya pero umiling ako. “It was great actually. Inalok nya ako ng tulong pero syempre tinanggihan ko dahil ayokong madamay si kuya dito.” Tumango naman sya. “And then?” “Yun lang.” “You’re lying Col, ano nga?” Nakaka-inis din pala kapag sobr

