Col’s POV “Uy Col!” Ngiting ngiting bati sakin si France ng makita nya akong pumasok ng kwarto nya. Mukha pa syang naglaway ng bumaba ang tingin nya sa dala dala kong request nya. “Pag ikaw namatay ng tuluyan dahil sa pagkain ng ramen na ‘to? Friendship over na tayong sira ulo ka.” Nakasimangot na sabi ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako. Kinuha ko na yung maliit na lamesa at inilagay na yun sa harap nya. Ako na din ang nag-asikaso ng kakainin nya bago naupo sa gilid. “Ayiee, ang asikaso natin ah. Anong meron?” tanong nya pa bago lantakan yun. “Wala naman? Para kapag namatay ka kahit papano ay may magandang memorya ka naman sakin.” nakangising sabi ko na ikina-ubo nya. Inabutan ko naman sya ng tubig habang tumatawa. “Grabe ka talaga sakin! Pero may memorya ka naman na sakin na sob

