Col’s POV Kasalukuyan akong nandito sa kusina dahil pagkatapos akong kausapin ni Bianca Clark ay may kumausap pa sakin tapos meron pa at meron nanaman kaya wala na akong nagawa kundi ang magtago dito para makakain ng mapayapa. Hindi ba nila nakikita na celebration ito at hindi business meeting?! “Ay ma’am bakit nandito po kayo?” tanong nung inutusan ko na pumitas ng rosas. “Bulag ka ba? Nakikita mo namang may kinakain ako diba?” inis na sabi ko na ikinalunok nya. “A – ano po kasi ma’am, si ma’am Frances po gusto umakyat sa taas eh ayaw po papasukin nung bantay.” Kandabuhol na sabi nya. “Papuntahin mo na lang dito.” Sabi ko sa kanya na agad nyang ikinalaho sa paningin ko. “Col!” nakagat ko ng madiin ang labi ko ng tawagin nya ang pangalan ko. B – bakit ba nickname ko na ang tawag nya?

