Frances POV Nakabihis na ako at nakasuot ng two piece para sa beach kaso.. pinasuot nya ako ng cycling dahil ayaw nya daw ng suot ko pero okay naman kaya? Umikot pa ako sa harap ng salamin at tinignan ang suot ko. Plain yellow tapos black na cycling, ano kaya kung hubarin ko na lang ‘tong cycling? Huhubarin ko na sana yung cycling ng marinig ko na yung pagbukas at sara ng pintuan sa banyo. Mabilis akong tumakbo papunta sa kama at kunwaring nagscroll lang sa sss, sana hindi nya nakita na binabalak ko ng hubarin yung cyclings ko! “Tapos ka na?” tanong ko pa tapos kunwari tingin tingin ng pictures tapos scroll scroll pa. “Yes.” “Tara na baka late na tayo!” tapos tumayo na ako at pinatay na yung phone ko sabay tingin sa kanya. Kagaya ng sakin ay nakacyclings din sya na black pero yung b

