Col’s POV Nakalabas ng kami ng manila at kasalukuyan kaming nandito sa expressway. Nakakatawa kasi mukhang mahilig sa sasakyan na itim yung nagpapasubaybay samin. Bukod don, dikit na dikit talaga na kung saan kami liliko ay liliko din sya.. too obvious. Napa-iling na lang ako at hinayaan na sundan muna kami ng sasakyan na ‘to. Sinilip ko si Frances na kasalukuyang nakatingin sa labas at mukhang malalim pa ang iniisip. “May problema ba?” tanong ko sa kanya kaya humarap naman sya sakin. “Hindi naman sya problema kaso..” tapos sinilip nya pa yung phone nya at malungkot na tumingin sakin. “.. ilang araw ng hindi nagtetext o tumatawag si Anne. Ngayon lang nangyari ‘to.” Hindi ko namang maiwasan na malungkot para sa kanya. Hindi naman kasi talaga sya tatawagan ni Anne dahil siguro alam na n

