SOMETHING is really wrong about me, nasa isip ni Addy habang nakaupo sa tabi ng swimming pool. Dahil hindi naman summer season ay kakaunti lang ang guest sa resort kung saan pinili niya na magbakasyon. Sa kasalukuyan ay nagpapalipas siya ng oras na mag-isa sa swimming pool. Nag-isip at nagmuni-muni siya. Hindi na mabilang ni Addy kung pang-ilan na ang buntong-hininga niya. Naiinis siya. Nakakahiya na ang ginagawa niya pero patuloy pa rin siyang tinatanggihan ng nag-iisang lalaki na gusto niya. Ang buong akala niya ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Xander. Nang tawagan siya nito ay naramdaman niya na nag-aalala ito sa kanya. Naging positibo siya na susundan siya nito dahil inamin niya rito ang lugar kung nasaan siya. She also felt the guilt in his voice. Kaya hindi na siya nagulat nan

