Chapter 6: Holding Back

3188 Words
Yannie Ace Ruiz “Huh?” gulat na reaksyon ko kay Jomar. Naglakad palapit sa akin si Jomar saka kinuha ang padlock ng store. Pagkatapos no’n ay dumeretsyo na siya sa labas. “Hindi ka pa lalabas?” tanong nito sa akin saka ako mabilis na kumilos. Kinuha ko ang bag ko saka ako sumunod sa kanya. Tuwing umaga lang bukas ang convenience store na ito dahil busy pa si Mrs. Maricel sa inaasikaso nito tungkol sa pamilya. Pero dati daw, ayon kay Jomar ay 24/7 itong bukas at si Mrs. Maricel ang nagbabantay sa gabi o sa tuwing wala si Jomar at hindi nakakapasok. Naging abala si Jomar sa pagsasara ng store. Mabuti na lang din talaga at dumating siya dahil mahihirapan din akong ibaba ang rolling steel door ng convenience store. At habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsasara ng store ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang pangalan ni Josh na nag-appear sa screen ng cellphone ko. He is calling! At hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang beses na tumawag siya sa akin. Hindi ko pa naririnig ang boses niya at hindi ko talaga alam kung bakit grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon. “Sino iyan?” tanong ni Jomar sa akin na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. Nakita niyang tumatawag sa akin si Josh Rain at nagulat ako nang mabilis niyang kinuha mula sa kamay ko ang cellphone ko at siya ang sumagot sa tawag na iyon. “Hello?” “Jomar!” mahinang saway ko dito saka ko nakagat ng mariin ang ibabang labi ko. “Ako si Jomar. Kaibigan ako ni Yannie. Ikaw? Sino ka?” pagsagot ni Jomar kay Josh Rain mula sa kabilang linya. At bago pa man din muling makapagsalita si Jomar ay mabilis ko ng inagaw sa kanya ang cellphone ko saka pinatay ang tawag na iyon. “Bakit mo sinagot?” naiinis na tanong ko kay Jomar. “Ginugulo ka niyan—” “Hindi niya ako ginugulo, Jomar,” mabilis na putol ko dito saka ko ito tinalikuran. “Sandali, Yannie!” tawag niya sa akin pero nagdere-deretsyo lamang ako sa paglalakad. “Yannie, ihahatid na kita sa inyo,” saad niya nang maabutan niya ako. “Hindi na kailangan. Kaya ko namang umuwi mag-isa,” tugon ko dito. “Galit ka? Dahil ako ang kumausap sa Josh na iyon?” tanong nito sa akin. “Jomar, alam kong concern ka lang sa akin kaya ka nagkakaganyan. Pero pwede ba? Wala naman akong ginagawang masama. Nakikipag-usap ako sa kanya dahil gusto ko iyon. At sa tingin ko wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan o makipag-usap ako sa iba.” “Pero, Yannie—” “Aalis na ako,” putol kong muli dito saka ko ito muling tinalikuran. Mabilis akong pumara ng Jeep at sumakay doon pauwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko kay Jomar dahil sa ginawa niya. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi mainis dahil doon. Oo, kaibigan ko siya at nag-aalala lang naman siya sa akin. Pero, kailangan ba talagang gawin niya ang ginawa niya kanina? Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text message sa akin si Josh Rain. Kabado man ay mabilis ko pa ding binasa iyon. From Josh Rain: Sorry. Akala ko lang mag-isa ka, pero may kasama ka naman na pala. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang pakiramdam ko. Gusto ko sanang mag-reply sa kanya pero hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko. Hanggang sa nakauwi na ako nang tuluyan sa bahay pero wala pa din akong nagiging reply sa text niya sa akin kanina. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang weird lang dahil hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam. Pagod akong nahiga sa kama habang nakatitig pa rin sa huling message sa akin ni Josh. Sa huli ay pinindot ko ang reply button saka ako nagtipa ng sasabihin sa kanya. To Josh Rain: Sorry, Josh. Dumating bigla kanina si Jomar at tinulungan ako magsara ng store. Napapikit pa ako nang tuluyan kong mai-send kay Josh ang reply kong iyon. Pero lumipas ang ilang minuto ay wala itong naging reply sa akin. Sa paghihintay ko sa reply niya ay nagbukas na lang ako ng social media account ko at nakita ko namang may chat sa akin si Ate Rica doon. Rica: Yannie, may gathering ang fandom natin sa June 22. Celebration ng birthday ni Justin Song. Attend ka huh. Napabalin ako ng tingin sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwarto. Sabado iyong June 22 at malamang ay may pasok ako sa part-time job ko. Pero birthday iyon ni Justin Song. Ang leader ng bandang 4SBLUE. Kaya naman gusto ko din sanang pumunta no’n. Me: May pasok po ako niyan, Ate. Pero try ko pong pumunta. Nag-seen kaagad si Ate Rica sa reply ko sa chat niya at kaagad din na nag-reply sa akin. Rica: Sige, Yannie. I hope to see you there (smile emoji) nga pala, ka-text ka ba kanina ni Josh? Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko sa tanong ni Ate Rica sa akin. Me: Kanina po opo. Reply ko at nag-reply din naman ulit ito kaagad sa akin. Rica: Oh I see. Me: Bakit niyo po naitanong? Rica: Nandito kasi siya kanina sa bahay. Kaso biglang nagmamadali kanina na lumabas. Pero after a few minutes bumalik din tapos nakasimangot na. Tapos maya-maya umalis na din ulit. Ang sabi ni Ramil nagyaya daw bigla ng road trip. Iniwan niya ang phone niya pero naka-off. Me: Ganoon po ba? Rica: May napagtalunan ba kayo? Me: Wala naman po, Ate. Wala naman talaga kaming pinagtalunan ‘di ba? Pero bakit gano’n? Bakit parang nagi-guilty ako? Me: Tumawag po siya sa akin kanina pero friend ko po ‘yong sumagot. Mabilis na chat ko ulit kay Ate Rica. Rica: Ang weird talaga ng lalaki na iyon. Napakaarte. Kapag nag-iinarte sa iyo sabihin mo sa akin huh. Pero dapat kasi huwag muna kayo mag-usap. Mas okay kung magkita muna kayo. Rica: Huwag mo muna siya kausapin, Yannie. Me: Po? Rica: Maarte kasi ‘yang si Josh. Hindi pa marunong makinig. Sinabihan ko na siya na huwag ka munang i-text pero ang kulit talaga. Mas okay kasi kung magkikita muna kayo in person. Sama ko siya sa gathering ng fandom kaya punta ka (wink emoji) Me: Sige po, Ate (smiley emoji) Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Ate Rica ay itinabi ko na ang cellphone ko. Hindi na ako naghintay sa reply ni Josh sa akin dahil nga umalis pala ito at iniwanan ang cellphone niya. Kinabukasan… Tiningnan ko kaagad ang cellphone ko kung may reply ba si Josh sa akin pero wala itong kahit na anong message sa akin. Siguro ay tama din talaga si Ate Rica. Mas okay kung hindi ko na muna kakausapin si Josh at hayaan na magkita muna kaming dalawa sa personal. Sa huli ay isinantabi ko na lamang ang isipin ko tungkol kay Josh at nag-ayos at naghanda na ako ng sarili ko para sa pagpasok sa school. “Yannie! Kumusta ang part-time job mo?” tanong sa akin ni Jenny pagkapasok ko ng classroom at pagkaupo ko sa upuan ko. “Mabuti naman,” tugon ko dito. “Hindi ka ba pinahihirapan ni Jomar?” tanong niya pa ulit sa akin. “Huh?” “Bakit naman siya pahihirapan doon ni Jomar? Eh for sure masayang-masaya iyon dahil araw-araw na niyang makikita si Yannie, ‘di ba?” singit sa amin ni Veron habang may makahulugang ngiti at tingin ito sa akin. “Kung sa bagay tama ka diyan,” saad naman ni Jenny. “Alam mo ba noong nakaraang buwan pa ako nagsasabi diyan kay Jomar na ipasok ako sa pinapasukan niya pero tingnan mo, si Yannie Ace ang ni-refer niya.” “Alam mo na ang ibig sabihin no’n, Girl!” ani Veron saka sila sabay na humagikgik sa tabi ko. “Ano ba ‘yang mga sinasabi niyo diyan?” tanong ko sa mga ito. Naalala ko tuloy ‘yong nangyari kagabi na nainis ako kay Jomar. Bigla akong na-guilty. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya sa pagbalik niya sa store no’n para tulungan ako sa pagsasara. “Hay naku, Yannie! Ano ka ba naman? Ganyan ka ba talaga kamanhid at hindi mo maramdaman ‘yong bagay na matagal na naming napapansin?” tanong ni Veron sa akin. “Oo nga, Yannie. Halatang-halata na pero deadma ka pa rin diyan,” saad naman ni Jenny saka nito nakita si Ivory na siyang kapapasok lamang ng classroom. “Ivory!” masayang tawag pa ni Jenny dito. Nakangiting lumapit si Ivory sa amin saka ito naupo sa tabi ni Jenny. “Ang aga-aga pero mukhang nagmamarites kayo diyan ah,” saad ni Ivory sa amin. “Ano ba ‘yang pinag-uusapan niyo?” “Pinag-uusapan namin si Jomar,” tugon ni Veron kay Ivory. “Ikaw ba, Ivory? Nahahalata mo din ba ‘yong bagay na hindi maramdaman ni Yannie tungkol kay Jomar?” tanong naman ni Jenny kay Ivory. “Ay, oo naman! Sino ba namang hindi makakahalata doon eh napaka-obvious naman na gusto ni Jomar si Yannie!” malakas na sabi ni Ivory na siyang ikinalingon sa amin ng iba naming mga kaklase. “Ivory!” mahinang saway ko dito at nang lumingon ako ay nakita ko si Jomar sa may pintuan ng classroom na nakatayo doon at nakatingin din sa amin. Hindi ko tuloy alam kung narinig niya ba ‘yong sinabi ni Ivory o hindi. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa kaingayan at kadaldalan ng mga kaibigan ko. Umingay ang buong classroom dahil sa panunukso ng mga ito sa akin. Marahan namang nag-iwas ng tingin si Jomar saka ito nagpatuloy sa paglalakad patungo sa upuan niya. Minsan, ‘yong mga kaibigan mo din talaga ang makakapaglagay sa iyo sa nakakahiya at nakakailang na sitwasyon. Sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa lesson namin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kaya naman patago ko iyong tiningnan at nanlaki ang mga mata ko sa pagka-excite nang makitang si Josh ang nag-text sa akin. From Josh Rain: Ngayon ko lang nabasa ang message mo. No need to say sorry tungkol doon. I’m glad na may friend ka na pwedeng tumingin sa iyo (smiley emoji) Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko sa kanya. Isa pa ay naalala ko ‘yong sinabi ni Ate Rica kagabi na huwag ko na munang kausapin si Josh at hintayin kong makapagkita muna kami sa personal. Maya-maya lang ay nag-vibrate ulit ang cellphone ko sa message niya sa akin. From Josh Rain: Biglang sumakit ‘yong ulo ko. Nag-alala ako at mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya dahil sa sinabi niya. To Josh Rain: Bakit? Anong nangyari? Maya-maya lang ay muli na ulit itong nag-reply sa akin. From Josh Rain: Ikaw kasi, parang ikaw na lang ang iniisip ko. Naubo ako pagkabasa ko no’n. Agad naman akong nilingon ni Veron. “Ayos ka lang?” tanong ni Veron sa akin na siyang tinanguan ko ng marahan. “Bakit namumula ‘yang mukha mo? May sinat ka ba?” alalang tanong pa nito sa akin. “Wala akong sinat. A-Ayos lang ako,” nauutal na tugon ko kay Veron. “Sure ka?” tanong ulit nito na muli kong tinanguan bilang pagtugon. After no’n ay ibinalik na ni Veron ang atensyon niya sa professor naming nagtuturo sa unahan. Sinulyapan ko ang cellphone ko at sa huli ay natagpuan ko ang sarili ko na nagre-reply pa rin ulit kay Josh. To Josh Rain: Pasaway ka. Akala ko kung ano na. *** “PANSIN ko lang huh. Kanina ka pa busy diyan sa cellphone mo at madalas ka pang ngumingiti diyan mag-isa,” saad ni Veron sa akin. Kasulukuyan kaming nakatambay sa kubo sa school. “Oo nga. Pansin ko din iyan,” sabi naman ni Jenny. “Sino ba ‘yang ka-chat mo? May manliligaw ka na ba?” tanong naman ni Ivory sa akin. “Wala akong manliligaw. Ano ba kayo?” tugon ko sa mga ito. Sa aming apat ay ako lang kasi ang walang boyfriend. Lahat sila ay in a relationship na kaya big deal para sa kanila na makitang abala ako sa pakikipag-chat o pakikipag-text sa kung sino. “Asus, wala daw. Sige nga kung wala, patingin ng cellphone mo,” ani Veron. Mabilis ko namang itinago sa bulsa ng palda ko ang cellphone ko. “Ayaw ko nga,” tugon ko dito. “So, ibig sabihin may tinatago nga talaga!” saad ni Jenny. “Wala nga,” giit ko sa mga ito pero nagulat ako nang bigla na lang akong hinawakan ni Jenny at ni Ivory sa magkabilang kamay ko. At si Veron naman ay mabilis na kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko saka sila mabilis na tumakbo palayo sa akin. “Veron, sandali! Akin na iyan!” sigaw at habol ko dito. Dumeretsyo sila ng takbo patungo sa computer lab hanggang sa hindi ko sila naabutan at sa halip ay nakita ko si Jomar doon. Mag-isa itong may ginagawa doon na inutos ng professor namin sa kanya. Nagkatinginan kami saka siya marahan na lumapit sa akin. “Galit ka pa rin ba sa akin?” marahang tanong niya sa akin. “Hindi naman ako galit sa iyo—” “Sorry, Yannie,” putol niya sa akin. “Hindi ko na uulitin iyon. Ayaw ko lang kasing… mapahamak ka. Gusto lang kitang ingatan,” dagdag niya pa na siyang sandaling nagpatigil sa akin. Nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Napalunok ako saka ako marahan na napaiwas ng tingin sa kanya. “Hindi nga ako galit sa iyo. P-Pagod lang ako kagabi kaya ganoon. S-Sorry din and thank you sa pagbalik mo kagabi para sa akin,” saad ko dito. Narinig ko ang pagngisi niya kaya naman marahan ko siyang sinulyapan. Nagkatinginan ulit kaming dalawa at sa huli ay kapwang napangiti na lamang sa isa’t isa. Mabuting kaibigan si Jomar hindi lang sa akin maging sa iba pa naming mga kaibigan. Kilala siya sa pagiging gentleman, sweet, caring, at mabait niya. At isa iyon sa dahilan kung bakit gusto kong manatiling kaibigan siya. Dahil sa tingin ko ay wala na akong mahahanap na katulad niya. At gusto ko siyang i-keep sa buhay ko. Alam kong madalas na sinasabi ng iba na gusto ako ni Jomar. At kung tatanungin ako kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya ay sasabihin ko ding gusto ko siya. Gusto ko siya bilang kaibigan. Komportable ako kapag kasama ko siya at pakiramdam ko ay safe ako palagi. Kaya ayaw ko siyang mawala sa akin bilang kaibigan ko. “Hinahabol mo sila Veron?” pagkuwan ay tanong ni Jomar sa akin. “Oo. Kinuha kasi nila ‘yong cellphone ko,” tugon ko. “Dumeretsyo sila sa computer lab 2,” nakangiting sabi ni Jomar sa akin. “Salamat, Jomar,” saad ko naman saka ako mabilis na nagtungo sa sinabi niya at nakita ko nga doon ang tatlo kong kaibigan na abala sa pagkakalikot sa cellphone ko. Sabay-sabay silang nag-angat ng makahulugang tingin sa akin. “May bagong text ang Josh Rain mo, Yannie!” sigaw ni Ivory sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanila saka ko binawi ang cellphone ko. “Sa tingin ko kailangan mong magkwento sa amin,” sabi naman ni Jenny sabay hila nito sa akin paupo sa tabi nila. At wala na nga akong nagawa kung ‘di ang sagutin ang mga tanong nila dahil na-corner nila ako. Sa kulit ba naman ng mga ito ay mapapasuko talaga ako. Kaya ang ending ay naikwento ko na kung sino si Josh Rain. “So, tatlong araw pa lang kayong nagkakausap pero ganyan ka na mag-blush pagdating sa kanya?” naniningkit ang mga mata ni Veron habang nagtatanong sa akin. “Ano bang sinasabi mong nagba-blush? Nainitan lang ako sa paghabol ko sa inyo kanina,” saad ko naman dito. “Kailan kayo magmi-meet? Sama ako!” excited na sabi naman ni Ivory. “Girl, huwag ka nang sumama dahil baka makaistorbo ka lang sa kanila,” ani Jenny. “Oo nga. Baka imbis magka-love life na itong si Yannie ay maudlot pa dahil sa iyo,” biro naman ni Veron kay Ivory. “Gusto ko lang naman makita sa personal ‘yong Josh Rain na iyan. Tunog mayaman kasi ang pangalan eh,” nakatawang sagot naman ni Ivory. Natatawang napailing na lamang ako sa tatlo habang patuloy na nagbibiruan ang mga ito. Tiningnan ko ang cellphone ko at binasa ko ang bagong message ni Josh sa akin. From Josh Rain: Sa P.U.P Biñan school mo, right? Anong oras tapos ng class mo? To Josh Rain: Oo sa P.U.P Biñan nga. Hanggang 4:30 p.m ang klase ko. Bakit mo naitanong? From Josh Rain: Pwede kang puntahan sa school mo? Nanlaki ang mga mata ko sa reply niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Wala akong ideya sa kung ano man ang itsura niya at sa tingin ko ay hindi pa ako handa na makipagkita agad sa kanya. To Josh Rain: Sorry, Josh. Pero pwede huwag muna? From Josh Rain? Bakit? To Josh Rain: Hindi pa kasi ako ready makipagkita. From Josh Rain: Bakit naman? To Josh Rain: Basta. From Josh Rain: Okay sige. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pa ngayon. Hindi naman tayo nagmamadali. Hindi ako perfect. Sa katunayan, loko ako pagdating sa mga babae. Isang oras lang kaya kong ibigay sa iba. Pero sa iyo? Gusto kitang makilala. Kaya huwag kang mag-hold back. Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin sa akin. Natulala ako sa message na iyon ni Josh sa akin. Hindi ko alam ang ire-reply sa kanya hanggang sa muli ulit itong mag-text sa akin. From Josh Rain: Sasabihin ko din naman sa iyo kung wala ka lang sa akin. Hindi naman nakikialam si Sissy do’n. To Josh Rain: Pasensya ka na. Pero naiisip ko kasi na kaya mo ako kinakausap ay dahil kay Ate Rica. Dahil pinakilala niya ako sa iyo. “Uy, Yannie! Ayos ka lang?” tapik sa akin ni Veron. “Huh? Oo,” mabilis na tugon ko naman dito. “Tara na sa classroom, next class na natin,” yaya ni Jenny saka kami tuluyang lumabas ng computer lab 2 at nagtungo na nga sa classroom. Maya-maya lang ay muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa reply ni Josh sa akin. Kinakabahan kong binuksan at binasa iyon. From Josh Rain: Oo. Sabihin na nating pinakilala ka nga, pero ako naman ang kumuha ng number mo sa kanya. Ayaw pa nga niya ibigay. Hindi ako ganito sa iyo dahil siya ang nagpakilala sa akin sa’yo. Enjoy akong kausap ka. Iyon lang ‘yon. Sige, lulugar na ako. Hindi na ako mangungulit. Hihintayin ko na lang na maging ready ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD