SUNSET Nanggigigil ko siyang tiningnan. Nagsisimula na naman siya mang-inis. “Ano nga?” Malutong siyang tumawa. “You're too serious, Sunny.” Inirapan ko siya. Wala akong panahon patulan ang pang-iinis niya. Nang maalala ko ang order niya ay kaagad ko itong nilagay sa Order Display Monitor. Binalingan ko lang siya para kunin ang bayad niya. Natuwa naman ako dahil cash na ang binayad niya. “Pakihintay na lang sa table, sir,” sabi ko ng inabot ko ang sukli. “Max!” Sabay kaming napatingin ng may tumawag sa kanya. Palapit na si Lorrie sa direksyon niya. “Lorrie?” “Yeah. Remember, kaibigan ko si Sunset kaya may pagkakataon na pinupuntahan ko s'ya dito.” “Oh, I see.” Umangkla si Lorrie sa braso ni Ryker. “Doon ka na sa table ko. Para naman may kausap ako habang nandito ako.”

