SUNSET Nagising ako na wala sa tabi ko ang asawa ko. Bumangon ako sa higaan at tinungo ang banyo para alamin kung nandito siya. Ngunit nakabukas ang pintuan at nakapatay ang ilaw kaya tiyak na walang tao sa loob. Ipinasya kong lumabas ng kwarto. Binuksan ko isa-isa ang mga kwarto sa ikalawang palapag. Walang tao sa music room, movie room, at maging sa study room niya kaya baka nasa ibaba siya. Bumaba ako ngunit wala namang tao sa sala. Nang pumunta ako sa kusina ay wala akong nakita kahit anino niya. Sa sobrang himbing ng tulog ko ay hindi ko man lang namalayan na umalis pala siya sa tabi ko. Tinapunan ko ng tingin ang wall clock, pasado alas dos ng madaling araw. Saan naman kaya pupunta ang lalaking iyon ng ganitong oras? Naalala ko, may mini bar pala siya dito. Imposible naman ka

