Chapter 19

1948 Words

SUNSET Pinasya kong dito na muna matulog sa magulang ko at bukas na lamang umuwi. Pero madaling araw na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kahit pa sabihing namamahay ako ay kasama ko naman ang magulang ko kaya dapat hindi ako ganito. Halos lahat na yata ng comedy, action, at horror movie ay pinanood ko na pero hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Ilang beses na rin ako naaabutan ni tatay dito sa sala sa tuwing lumalabas siya mula sa silid nila ni nanay. May pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig sa ‘kin na pakiwari ko ay may tumatakbo sa kanyang isipan. Kapag tinatanong ko naman ay ngumingiti lamang si tatay at umiiling sabay balik sa silid. Pagkatapos niya magtanong sa akin kanina ng tungkol kay Ryker ay wala na akong narinig na kahit anong salita mula s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD