SUNSET Seryoso siya habang titig na titig sa akin. Iisipin ko talaga na nagsasabi siya ng totoo dahil sa tingin niya sa ‘kin. Nakilala ko siyang pilyo at mahilig magbiro. Kaya hindi ko alam kung alin ang totoo sa hindi. At sinong maniniwala na mafia siya? Pwede sigurong bilyonaryo dahil talaga namang galing siya sa kilalang pamilya. May sariling kompanya, anak ng may-ari ng university na pinapasukan ko and who knows, baka hindi lang iyon ang pag-aari ng mga De Luca. Pero kung mafia siya, hindi ako maniniwala dahil imposible. “Stop drinking, Sunny. Lasing ka na.” Inagaw niya ang ang hawak kong wine glass. Bahagya ko namang pinalo ang kamay niya at muling kinuha ang baso. “Hindi ako lasing, Moony,” sabi ko at mabilis na nilagok ang kalahating laman ng wine glass. “Hindi na pala dapat

