SUNSET Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtaas ng isang kilay nito ng bumaba ang mata sa magkahawak naming kamay ni Ryker. “May I ask who this young lady is?” Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ryker ng sulyapan ako ng lolo niya. “What is your name, hija?” “Sunset po,” mabilis kong sagot. Matapang ko sinalubong ang malamig niyang mga tingin, mga titig na tumatagos sa buong pagkatao ko. Sinunod ko ang bilin ni Papa Rick. Ayoko rin isipin niya na kinakabahan at natatakot ako sa kanya. Pero sa totoo lang ay gusto na lumabas ng puso ko sa sobrang kaba. “To clarify, she is now Sunshine Settie Rozaldo—De Luca. Sunset is my wife.” Bakas ang pagmamalaki sa boses na sabi ni Ryker na labis na ikinatuwa ng puso ko. Proud na proud siya ng sinabi niya sa kanyang lolo na asawa niya ako. He lau

