SUNSET Hindi ako sumagot. Parang biglang nablangko ang utak ko at hindi kaagad nakapag-isip ng maayos. Hindi naman ako tanga para hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Matagal kong iningatan ang p********e ko at ang tanging ipinangako ko sa sarili ko ay ibibigay ko lamang ito sa lalaking mahal ko, at hindi si Mr. Trevino ang lalaking iyon. Gusto kong linawin sa kanya na kasunduan lang ang mayroon kami at wala sa usapan na isusuko ko ang p********e ko sa kanya. Bahagya siyang gumalaw. Dumapo ang kamay niya sa tagiliran ko at dahan-dahang pinasok sa ilalim ng damit ko. Hanggang sa naramdaman ko na ang pagdampi ng mainit na buga ng hangin sa mukha ko. Ilang sandali lang ay lumapat na ang labi niya sa labi ko. Nanigas ako at hindi malaman ang gagawin. Ganito rin ang pakiramdam ko sa

