Erich Point Of View In reality, may mga taong sakim sa kapangyarihan. Mga taong sakim sa pera o karangyaan. Mga taong walang pakielam kung may nasasaktan o masasaktan. Mga taong walang pakielam kung may mahihirapan o may namamatay. Mga taong lumalabag sa batas para sa pang sariling kagustuhan at dahilan. Hindi sila naiiba sa mga tao sa gobyerno. Maling pamamalakad. Walang magawa ang mga nasasakupan. Dahil sila'y kinatatakutan. Sila ang batas taga sunod ka lang. Mga estudyanteng napabayaan na at patuloy na nagrerebelde. Mga taong lumayo ang loob sa diyos at sumamba ng demonyo. Kinalimutan na ang mabuting asal at mabuting gawain. Nilamon na ng kasamaan ang katauhan. Yan ang mga estudyante ng Luciferian Academy. Panandaliang nagkaroon ng katahimikan at kapayapaan. Hindi pa talaga sila

