Money 23

1257 Words

Itinulak ko ito. "Mag-usap muna tayo Hanz," sabi ko rito. "Mamaya na, pagbigyan mo muna ako," bulong nito. Pinitik ko ito sa ilong ng matauhan man lang. "Hanz, sinasabi ko sa 'yo, lalayasan talaga kita," banta ko rito. Umayos naman ito pero nakayakap pa rin sa akin at panay ang halik sa leeg ko. "Bakit mo ako pinakasalan, Hanz?" tanong ko. "Kailangan pa bang itanong 'yun," wika nito. "Aba! Oo naman ano 'yun ganoon na lang na basta mo na lang akong pinakasalan," inis na wika ko rito. Tumingin ito sa aking mga mata. "Pinakasalan kita baby dahil mahal na mahal kita," wika nito, sabay halik sa labi ko. "Hanz ano ba," awat ko ulit dito, nakikita ko ang pagnanasa sa mga mata nito. "Hhmm! Mahal mo ako pero mas mahal mo ang April na 'yun?" akusa ko rito. "Ha! Sino naman may sabi sa 'yo na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD