“Are you sure you’re, okay?” Marahan akong tumango sa tanong ni Ivo, iniabot naman nito ang bottled water sa akin saka iniayos ang dextrose ko. Inilapag ko ang walang laman na bottled water sa bedside table saka umayos ng pagkakaupo sa kama. Naupo naman si Ivo sa upuan sa gilid ko at iniayos ang kama ko para komportable akong makaupo. “Bumili ng food si Akiko,” wika pa nito nang mapansin na may hinahanap ako. Muli akong tumango saka huminga ng malalim. It’s been three days simula ng magising ako matapos ang halos isang araw na coma dahil sa dami ng dosage ng pain killers na ininom ko. Ang sabi ng doctor ay ligtas na ako sa panganib dahil naagapan naman daw agad bago pa maabsorb ng katawan ko ang lahat ng iyon. I should feel relieved, but I felt the other way around. Sana ay hi

