Napag-usapan na namin ni Thunder na dito na tumira for good kaya nagpatulong ako kay Ivo at Akiko na ayusin ang mga papers namin para dito na manatili. Nang matanggap ko ang requirements ni Vernon ay agad ko siyang in-enroll sa daycare center. Thunder decided na mag-open na lang ng clinic sa nahanap niya na pwesto sa bayan kesa ang magtrabaho sa hospital para hawak daw nito ang oras niya at may time sa amin. He really saves up a lot noong mga panahon na nagda-drive pa siya at nagtatrabaho sa hospital ng parents niya kaya mabubuhay kami kahit wala ang tulong nila. Hindi naman tumigil ang paglalagay ni dad ng allowance sa savings ko for my living expenses. He’s doing this ever since I knew na siya ang tatay ko, lahat kaming magkakapatid ay may natatanggap sa kanya kahit si Ivo. He’s not

