Sam's POV: 5:00 AM na at umuwi na kami sa Mansion. Nakatulog si James sa braso ko habang nagmamaneho si Ash. Sobrang haba ng diwang kagabi. Puyat na puyat rin ako at gusto kong matulog pagdating na pagdating namin sa Mansion. Maya-maya ay nakarating na kami ng compound at agad kaming pinagbuksan ng security guard. Pumasok ang limang kotse habang may nakasunod na mga butler. Sobrang napaka-importante pala ni Mr. Hachingson at laging nakabuntot ang mga butler sa kanya. Lumabas si Ash at pinagbuksan niya kami ng pinto. Binitbit ko nalang si James total ang himbing na ng pagkakatulog. "Good morning Sir and Mada'am! Welcome home!"-sabay nilang bati at yumuko upang magbigay-galang kay Mr. Hachingson at samin. Di ko maiwasang mamangha dahil sa linis at ganda ng buong lugar. It wa

