Chapter 9
Sam's POV:
Nagising na lang ako sa sobrang ingay na naririnig ko kasabay ng pagsakit ng ulo.
Una kong nakita si Mama na nagsisisigaw sa galit habang kaharap niya ang isang ICU Nurse.
"Aba! Sino ba ang gumawa neto sa anak ko?! Saan ba yun nakatira at nang maturuan ko ng leksyon!!"-galit na galit na sigaw ni Mama at unti-unti akong nag-alala.
"M-mama!..."-mahina kong tawag at nagulat siya.
"Sam! Naku, anak ko! Buti na lang at nagkamalay ka na, kundi uupakan ko talaga ang gumawa nyan sayo!"-bungad niya at niyakap ako. Naramdaman ko ang bandage sa ulo ko. Bigla ko nalang naalala ang nangyari.
Yung babaeng yun, siya ba talaga ang stepmother ni Justin? Napakasama niya. Kaya pala mabilis na matakot si Justin dahil sa resulta ng pang-aabuso niya.
"Mama, s-si Justin po? Asan siya?"-tanong ko nang maramdaman kong wala siya rito.
"Hay Naku! Anak, isipin mo muna ang sarili mo! At sino ba yang Justin na yan? At kailan ka pa natutong magkaboypren?!"-demanda niya at napairap nalang ako.
"Ma, pasyente ko po si Justin.. 5 years old palang siya. Pwede ba, tigilan niyo na po ang pagsusupetya niyo sakin! Wala naman akong boypren eh!"-sagot ko at sinubukang bumangon.
Sam, you don't have to rush. You have to refresh your mind and free yourself from any stress."-paalala ng Nurse kaya naisip kong tanungin ang kalagayan ni Justin.
"Kamusta si Justin? Nailayo niyo po ba siya sa stepmother niya? Nasaktan ba siya? Okay lang ba siya??"-sunod-sunod kong taming. I can't help but to worry about him.
"Okay lang naman si Justin. He has a bodyguard accompanying him. Mr. Smith came earlier and took Justin. He is fine."- agad akong nakahinga ng maluwag. Hearing just Ash name makes me feel safe and comfortable.
"I guess I need to call Nurse Shan to assist all the patients."-paalam ko pero ngumisi siya at pinigilan ako.
"No, you can't stand yet. At isa pa, Doc Lean is gonna return tomorrow morning. Siya na daw ang bahala sa mga pasyente mo at humingi siya ng pahintulot na hayaan kang magpahinga for 1 week."-paliwanag niya at nagulat naman ako.
"Bat 1 week?! Okay lang naman sakin yung Isang araw eh.."-sambit ko at bigla akong napaaray ng kurutin ni Mama ang tenga ko.
"Wag ka na ngang matigas ang ulo! Nagmamagandang-loob na nga si Lean tapos di ka man lang magpapasalamat! Kupal ka talagang bata ka!"-sermon ni Mama at napacrossed-arm nalang ako sa inis.
"So pano, iwan ko na po kayo, Doctora. I have an important task to do."-paalam nung Nurse bago umalis.
"Narinig mo?! 1 week kang mamamahinga! Wag puro gala yang laman ng utak mo!"-paulit-ulit na turo ni Mama. Ghaad! Hindi nako bata!
-
-
-
-
After a few hours*
Nagbihis ako sa clinic ko at niligpit ang mga gamit ko.
Palabas ako ng clinic nang bigla akong sunggaban ng yakap ni Shan.
"Ayy Anak ng---!"
"I'm so sorry Doctor Sam kung hindi kita naipagtangol! I wish I was there to protect you!"-maluha-luhang sabi niya at kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Wag kang magdrama,pwede ba? Atsaka, uuwi muna ako ng probinsya para magbakasyon ng 1 week. Ikaw na muna magbantay kay Justin."-paalam ko at umiling siya.
"Hay, Naku! Hindi pwede yan! Alam mo ba? Kanina pa umaayaw si Jorren sa pagkain! Parati ka raw niyang hinahanap at iniisip niya na ikaw ang magsusubo ng pagkain sa kanya!"-kwento niya at namilog ang mga mata ko.
"Bat ako? Nasan ba si As-- esti si Mr. Smith?!"-gulat kong tanong at bumaba ang balikat niya.
"Ayon dun sa Ex niya! Grabeh! Kitang-kita ng mga mata ko kung paano sila magkahawak ng kamay at sabay silang umalis ng Ospital! You don't know kung gaano ako kabroken-hearted ngayon!!"-giit niya at bigla nalang akong nawalan ng gana.
"I'm going already.. Hinihintay pako ni Mama sa labas. I need to pass my excuse letter to our Head. "-paalam ko at nginitian siya.
"Fine, take care, beshy!"-kaway niya at naglakad nako paalis.
I hope Justin is alright...
-
-
-
Pagkatapos kong maibigay ang Letter ko ay inaprobahan kaagad iyon ni Department Head namin.
"Thanks.."-huli kong sabi bago umalis.
Wala pang ilang segundo ay bigla akong na-estatwa nang makita ko kung sino kausap ni Mama.
S-si... Mr. Smith?!
-
-
-
Agad akong lumapit ng patago para marinig ang usapan nila.
"Is it okay for you if I lend her for a few days? Trust me, I won't do anything to hurt her."-boses ni Ash at bigla akong nagtaka kung sino ang tinutukoy niya.
"Fine! But if something happens to my daughter, you will take the blame!"-bigla akong napatakip ng bibig ko nang malamang ako ang pinag-uusapan nila.
'Jusme! Tumigil ka Sam!'
Unti-unti akong kinabahan sa susunod na mangyayari.
Napag-isipan kong magpakita at magpanggap na walang narinig.
"Uhh..Is that you, Mr. Smith?"-bati ko sabay ngiti ng peke. Honestly, naghahalu-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Di ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"So you've been listening to our conversation, right? Are you aware that----", hindi ko na pinatuloy sa pagsasalita si Ash at inunahan ko na siya.
(End of chapter 9)