6 years later... Athena Shane Dominguez Nandito kami ngayon ng mga anak ko sa isang park dito sa Cebu. Nakangiting pinagmamasdan ko ang kambal ko na masayang naghahabulan kahit hindi pa nakakapagsalita si Arthimes sa edad niyang 'yan. Sabi ng doktor hindi naman daw pipi at bingi si Arthimes. Late bloomer nga lang. "Apollo, Arthimes 'wag kayong masyadong lumayo malapit na tayong umuwi." "Opo, Mama." ani ng panganay ko na si Apollo. Si Arthimes naman ay nag-Thumbs up lang. "Hayaan mo na sila para namang hindi ka dumaan sa pagkabata." ani ni Kevin sabay upo sa tabi ko. Kung itatanong niyo sino sina Apollo at Arthimes? Mga anak ko sila. Sinong ama? Flashback: Iyak lang ako ng iyak habang nakahawak tiyan ko. "Baby, bakit mo iniwan si Mommy?" Tumigil ako sa pag-iyak nang mulinh pu

