Athena Shane Dominguez Mag-iisang buwan ng mabigat ang pakiramdam ko at nagsusuka tuwing gigising ako sa umaga. Hindi ko na lang sinabi kay Patrick para hindi siya mag-alala at isa pa madalas na siyang nag-oover time sa opisina lalo na't sinisimulan na ang expansion sa France. "Magandang umaga po, Manang!" Mabuti na lang at nakabalik na sina Manang Belen galing sa probinsiya kahit papano may ta-tao na rito sa bahay. "Magandang umaga rin, Hija. Hindi ka ba papasok ngayon?" "Hindi po. Mabigat po kasi ang pakiramdam ko at lagi akong nasusuka na hindi ko alam kung bakit." "Naku, Hija, baka buntis ka na." ani ni Manang Belen. Ako? Buntis? Magkakaanak na kami ni Patrick? "Ang mabuti pa, Hija. Magpatingin ka na sa doktor na makumpirma natin. Lira, samahan mo si Shane sa ospital." "Opo,

