CHAPTER 3 | SIR, STRAWBERRY LOLLIPOP
[MI LOST WISH#3]
Sa iyong ngiti natatakam
Ngunit, sa halip, kalungkutan aking naasam
EILIA'S POV
Mabilis kong tinanggap ang bote ng tubig na inabot sa akin ni Bebe Gurl bago dire-diretsong inumin ang laman niyon. May nararamdaman pa rin akong takot ngunit ayaw kong alalahanin ako ng sobra ng kaibigan ko kaya pinipilit ko ang sarili ko na maging maayos.
"Eilia." Umangat ang tingin ko kay Cedric ng tawagin niya ako. Ibinaba ko ang bote ng tubig sa mesa bago siya harapin ng maayos. "Wala ka talagang balak na ipaalam itong nangyari sa—"
"Personal reasons." Putol ko sa sasabihin niya bago tignan si Washington na nakaupo sa tabi niya. "Alam kong dapat makarating ito sa mga nakakataas pero kasi, hindi ko kayang gawin iyon..."
"Imposibleng na-blackmail ka nila Keith, there's only one possibility that came up in my mind. Gugustuhin mo ba iyong mangyayari?"
"T×RANTADO KA BA?" Pasigaw na tanong ko sa kanya, napatayo pa ako sa kinauupuan ko kaya napatingin ang ilang estudyante sa amin maging ang ilang tindera sa stalls. Hinawakan naman ni Bebe Gurl ang laylayan ng damit ko para paupuin ako. "Sino gugustuhing ma-r×pe ha?!" Bulong lang iyon pero gusto ko ng bulyawan si Cedric. "At anong tingin mo sa akin desperadang mapansin ni Keith? Na maging kami ni Keith?!"
"Ohhh." Tango niya habang nakapatong baba niya sa dalawang braso niya. "Akala ko kasi ganun iyon."
"Ano ba talagang trip mo sa buhay? Akala ko ba naman pumunta ka doon para iligtas ako? Oo nga pala, paano mo nga pala nalaman ang plano nila Keith, ha?! Paano ako makakasiguro na katiwa-tiwala ka talaga? Paano kung kasabwat ka talaga nila?"
"Wala ka talagang balak na magbago ano?"
"Excuse me?!"
"I just want to mind my own business pero lagi ka na lang nagdadala ng gulo sa akin tapos ano ako lagi ang sisisihin mo sa masasamang nangyayari sa iyo?"
"Ako pa ang masama ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nilingon ko si Bebe Gurl para humingi ng tulong pero iniwasan lang niya ako ng tingin. "Eh ikaw naman talaga itong bad luck eh!"
"Hindi bad luck iyon kung hindi bad one and you are the bad one here Eilia." Tumayo siya sa kinauupuan niya kaya napatingala ako sa kanya. "Hindi ko na kailangang magpaliwanag kung bakit nandoon ako. Ako at ako pa rin naman ang babalingan mo ng sisi hindi ba? Don't worry, kung ayaw mo talagang ipaalam sa school committee itong nangyari ititikom ko ang bibig ko, in one condition..." aniya at biglang inilapit ang mukha niya sa akin, halos maduling naman ako sa lapit niya. "...lubayan mo na ako." Iyon lang at umalis na siya.
Ilang segundo pa ang nakaraan bago ako maka-recover sa pangyayari at nang ma-realize ko ang sinabi niya at padabog akong napatayo sa kinauupuan ko, natumba pa iyong upuan dahil sa biglaan kong pagtayo. "Ako pa ang troublemaker ngayon? Excuse me? Bakit parang kasalanan ko pa na muntik akong mapahamak?!"
"Eh kung hindi ka naman kasi shunga hindi ka mapupunta sa sitwasyon na iyon." Humihikab na saad ni Washington kaya siya ang nabalingan ko ng sama ng loob.
"Hoy! Nagiging generous lang ako ano!"
"Generous? Mapagbigay. Ng ano?"
Handa na sana akong makipag-away kay Washington, agad-agad walang pipigil ang kaso may pumigil na teacher sa amin. Siomai! "Oras na ng klase bakit nandito pa kayo sa canteen?"
"Sorry ma'am, hindi po namin namalayan ang oras." Kaagad na dahilan ko at iniwan na silang dalawa doon para bumalik agad sa classroom subalit mabilis din namang nakahabol sa akin si Bebe Gurl, nang makalapit siya sa akin ay inismiran ko lang siya.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya na para bang hindi obvious iyong nararamdaman ko ngayon.
"Malamang galit, anong gusto mong gawin ko tumawa kasi tinawag akong pahamak? Troublemaker?! Hindi man nila direktang—"
Nginitian niya lang ako kaya nagsalubong ang kilay ko. "Pasalamatan mo silang dalawa dahil hindi ka na nakakaramdam ng takot ngayon." Aniya sabay tapik sa balikat ko.
Ngayon dapat maging grateful pa ako?!
Hanggang sa pagdating sa classroom ay salubong pa rin ang mga kilay ko, pilit kong iniisip ang sinabi ni Bebe Gurl, pilit kong hinahanapan ng butas dahil ayaw kong lumabas na maling tao kahit sa kailaliman ng kaluluwa ko ay alam kong ako naman talaga ang may kasalanan. May magagawa pa ba ako? Nangyari na eh, besides, okay na okay naman ako, nailigtas naman ako ni Cedric... nailigtas, uh? Now, bakit kailangan kong maging grateful sa so-called pagiging superhero niya eh isinumbat din naman niya sa akin iyong nangyari, hindi lang ako sinumbatan nilait pa ako.
T×nga, ako?
Tama lang talaga na hindi na kami magkita, wala naman akong sinabi na gusto ko siyang maka-encounter. Siya lang naman talaga itong laging umeeksena sa buhay ko.
"Eilia." Tumigil ako sa pag-iisip ng malalim na siyang pinapababaw ko ng kalabitin ako ni Vlade na nakaupo sa likuran ko. And yes lumipat siya ng upuan para mapalapit sa akin. Hindi agad ako lumingon, nagpanggap na hindi narinig ang sinabi niya para lamang marinig ko ulit siya na ulitin ang pagbanggit sa pangalan ko. "Eilia, Eilia Catalina." At doon ako lumingon na may kasama pang hair flip.
"Hmm... bakit—?"
"Itali mo nga iyang buhok mo." Nasira ang moment ko ng marinig kong magsalita si Bebe Gurl, nilingon ko siya na hinahawi pa ng marahas ang buhok ko nga napangiwi ako bago iipit ang buhok ko. Hmpf.
"Ano ulit iyon, Vlade?" Tanong ko at bahagya na lang akong napangiti sa mahinang tawa niya. Wala namang nakakatawa sa buhok ko ih. O baka naman tuwang-tuwa na talaga siya makita pa lang ako.
"Here." May inabot siyang malaking lollipop sa akin.
Siomai... mi favorito!
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko para mapigilan ang pagngiti ng todo. Paano niya nalamang pabirito ko itong milky strawberry lollipop? Hindi ko naman alam na stalker ko pala itong si Vlade. We are the same lang naman, I stalk him a lot in Plastizism kaya.
"Thank you."
"Always welcome." Iyon lang at wala na siyang sinabi pa kaya humarap na ulit ako sa blackboard.
Gusto ko pa sana siyang makausap ang kaso wala na naman akong mabibitawang topic na mapag-uusapan namin kaya naman nag-focus na lang ako sa lesson namin. Matapos ang tatlong oras na klase sa natirang tatlong subject ay dali-dali akong lumabas ng classroom, uwing-uwi na naman ako maliban doon inaantok na ako, ngayon pa lang hinihila na ako ng antok.
"Bye!" Paalam ko sa ilang kaklase ko na hindi ko rin naman ka-close.
"Bye, Eilia!"
"Ingat, girl!"
Dire-diretsong akong lumabas ng gate, nagsalubong na naman ang labasan ng Class 2 kasama ang Class 3 at 4 kaya napakadaming tao sa paligid at siksikan sa paglabas sa gate. Habang nakikipag-unahang lumabas ay may naramdaman akong humawak sa pang-upo ko pero hindi ko binigyang pansin iyon dahil siksikan nga at baka nasanggi lang ako pero napansin kong hindi lang iisang beses naulit iyon.
Sinong hunawak sa—? Naalala ko iyong pangyayari kanina kaya mabilis akong kinain na naman ng takot, inilinga ko ang paningin ko sa paligid para hanapin si Bebe Gurl, hindi ko na sana pinairal ang kataasan ng pride ko. Paano kung sila Keith ang may kagagawan niyon? Paano kung pauwi ako mag-isa tapos hilahin na lang nila ako at gawin ang binabalak nila sa akin? Paano kung...?
Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Naiiyak na ako! Gusto kong magsumbong pero magsusumbong pa lang ako feeling ko ako na kaagad ang may kasalanan, anong gagawin ko ngayon?
"Hindi ka talaga titigil sa pagpapasaway, ano?"
Nabuhayan agad ako ng loob matapos kong marinig ang boses ni Bebe Gurl kung saan. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko siya makita.
M×mamatay na siguro ako dahil sa pagiging pasaway ko kaya naririnig ko na lang out of nowhere ang boses niya. Ayaw ko na, naiiyak na talaga ako! Pero hindi ko magawa umiyak sa gitna ng maraming tao!
"Eilia!"
"Ahhh!" Ang dapat na pagbuhos ng luha ko ay napalitan ng gulat matapos may humila sa akin mula sa crowd. Uungutan ko pa sana ang humila sa akin pero ng makilala ko siya ay wala akong nagawa kung hindi ang yumakap agad sa kanya. "Bebe Gurl, you saved my life!"
"Tss! Sino ba kasi nagsabi sa’yong iwanan ako?"
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at nginiwian siya. "Nagtatampo ako, obvious ba?"
"Hindi ba at natakot ka sa ginawa nina Keith sa iyo kanina? Walang intensyon sina Washington at Cedric na galitin ka o anupamang nasa isip mo. Tingin mo ba kapag pinatawa ka nila kanina magagawa mong tumawa?"
"Hindi ko pa rin gets!"
"Hindi ko na rin alam kung paano magpapaliwanag." Sabi niya sabay tapik sa ulo ko. "Pero lumagpas nga naman sa linya si Cedric... paano ko ba dapat sabihin ito. Hindi niya man lang inisip ang mararamdaman mo bago siya magsalita."
Sasagot pa lang sana ako at lalaitin ang jologs na iyon ng may mauna ng sumagot sa akin.
"Tackless."
Halos umabot sa langit ang ngiti ko ng makilala ko kung sinong nasa harapan ko.
"Nga pala," saad ni Bebe Gurl pero halos wala na sa kanya ang atensyon ko. "Alam kong ayaw mong sabihin sa kanila tita iyong nangyari pero nasabi ko kay Gerquien, sakto rin kasing napadaan siya dito kaya sumabay na tayo sa kanya pauwi."
"Sinabi mo?" At doon nabalik ang atensyon ko sa kanya. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko dapat harapin si Gerquien, nahihiya ako na hindi ko maintindihan. "Bakit sinabi mo? I mean anong—"
"Eilia, its fine." Nilingon ko si Gerquien at alanganing ngumiti sa kanya. Bahagya siyang yumuko para tapatan ako ng tingin. "Parang kuya niyo na ako ni Milli, hindi ba? Hindi mo kailangang magsikreto sa akin, kung hindi mo magawang sabihin sa kanila tita, sa akin mo na lamg sabihin?"
Kuya...?! Okay, okay. Ikaw ‘yan eh, ikaw ‘yan Gerquien Mosilliea, ang ka-baranggay ko na matagal ko ng crush, nasa sinapupunan pa lang ata ako crush na kita pero hindi mo pa rin nararamdaman iyong nararamdaman ko para sa’yo!
"Eilia."
"Bakit?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Ayos lang ba?"
"Hindi."
"Ha?"
Nagbibiro lang naman ako! "Joke lang, ano bang itinatanong mo?"
"Gusto ko lang malaman kung ayos lang bang kausapin ko ng masinsinan iyong mga lalaking iyon."
Gulat akong napatingin sa kanya. Siomai, Siopao, Suman. Concern ang crush ko sa akin at dahil ganyan ka, isangdaang puso para sa iyo! Pero kalma lang Eilia. Kalma. Nilingon ko si Bebe Gurl at tinanguan lang naman niya ako bago ko ibalik ang paningin ko kay Gerquien.
"Anong... sasabihin mo sa kanila? Pwedeng malaman?"
Umarko ang kilay ko ng mapakamot siya sa ulo niya. "Hindi ko pa napag-iisipan ang sasabihin ko pero siguro nga mas tamang sa masinsinang usapan idaan ‘to ganitong ayaw mong may iba pang makaalam."
"Kakausapin mo sila?!" Kakausapin... lang? Gusto ko sanang sabihin na s×ktan at b×ntaan na rin niya pero dapat good girl ang tingin niya sa akin kaya naman simpleng tango na lang ang ginawa ko.
"Okay. Ngayon, saan ko ba sila pwedeng makita?"
"Ngayon? Kakausapin mo na agad sila ngayon? As in ngayon?"
"Kung hindi ko pa sila kakausapin ngayon baka lumala lang lahat ng ito, baka dumating sa punto na hindi na natin magawang hawakan ang sitwasyon, kapag nangyari iyon posibleng makarating na talaga ito sa kanila tita na alam ko namang hindi mo gugustuhing mangyari hindi ba?"
Nga naman, Eilia! Ang engot lang? "Doon sa lumang court sa likod ng school, doon mahilig tumambay sina Keith after ng uwian." Sabi ko na nagpataas ng kilay nilang dalawa ni Bebe Gurl habang nakatingin sa akin. "Bakit may sinabi ba akong mali?"
"Wala naman. Siguraduhin mo lang na i-u-uncrush mo na si Keith matapos—hindi, dapat sa mga oras na ito ay wala ka ng dahilan para gustuhin siya, simula pa lang naman sinabi ko na sa iyo na hindi maganda ang ugali ‘nung isang iyon, ang kaso hindi ka nakinig sa akin, tss." Lintaya sa akin ni Bebe Gurl at hindi ko alam kung sisigawan ko ba siya o hindi, in the end, nginiwian ko na lang siya dahil nasa harap ko lang si Gerquien.
Uncrush...?
No problemo!
Mahaba pa ang list ng crushes ko. Marami pang choices, ganoon pa man may isang number sa list ko. Pasimple akong napahagikgik at bahagyang nilingon si Gerquien. "Tara na? Punatahan na ba natin sila sa court?"
"No."
Naipaling ko ang ulo ko dahil sa pag-‘no’ niya. "Bakit?"
"Doon na kayong dalawa ni Millicent sa kotse, ako ng kakausap sa kanila."
Magpipilit pa sana ako ns sasama ako sa kanya pero mabilis akong nahila palayo ni Bebe Gurl kay Gerquien. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin. "Bebe Gurl! Hayaan mo akong samahan si Kuya Gerquien!!!"
"Magtigil ka nga, nagpapasaway ka na naman."
"Hindi naman eh! Concern lang ako sa kanya."
"At concern din siya sa iyo kaya mag-stay ka..." binuksan niya ang pinto sa likod ng kotse ni Gerquien bago ako itulak papasok. "...dito!" at padabog niyang sinara ang pinto. G×gang ‘to, maninira pa ata. "Huwag kang gagalaw, dito lang tayo."
At hindi nga ako gumalaw sa kinauupuan ko dahilan upang mahampas ako ni Bebe Gurl ko, nakanguso akong nagtaas ng kilay sa kanya. "Sabi mo huwag gagalaw hindi ba?"
"Oo nga, pero may sinabi ba akong mamilosopo ka? Wala ‘di ba? Wala!"
"Ihh...! Bebe Gurl, pagbigyan mo na akong puntahan si Gerquien, tara sundan natin. Please?"
Tinignan niya ako ng masama pero binelatan ko lang siya. "Huwag ka ngang mangulit. Dito lang sabi tayo, sinisira mo lang image mo kay Gerquien."
"Ha anong sinisira?!"
"Crush mo siya hindi ba?" Tanong niya sa akin na inilapit pa ang mukha niya sa akin, doon ko lang na-gets ang sinasabi niya kaya napaurong ako sa kinauupuan niya. Siomai, siopao, suman! Paano nalaman ni Bebe Gurl iyon?! Makilala na niya lahat ng cruhs ko ‘wag lang si Gerquien!
Nameywang ako bago siya ismiran. "Excuse me? Hoy Millicent Laverde, anong pinagsasabi mo?!"
"Kailangan mo ba talagang itago sa akin ganyang kitang-kita ko naman na may gusto ka kay Gerquien?"
"FYI! For your ikaka-wonder, Miss Laverde. I am madly, deeply, crazily and dyingly into Vlade Velasquez and no one may compete to him when it comes to my heart, hmpf! Kuha mo?" Ayaw maniwala! Ang hirap ng may kaibigang kilalang-kilala ako! Napaatras ako lalo sa kinauupuan ko dahil sa tingin niya na halos tumagos na sa inner organs ko. "Ano ‘to? Need mo pa ng proof?"
"Hindi naman."
"Ba't ganyan ka makatingin?"
"Kasi wala namang word na ‘dyingly’."
Ha? Wala ba? Eh ano ngayon? "‘Sus, sorry ka, bumubuo ako ng sarili kong dictionary. Fancier than ever."
"Dictionary na ikaw lang makakaintindi?"
"Why not? I'm gonna be legend for making my own dictionary kaya."
"Iyong totoo, nakikinig ka ba sa lesson noong grade seven o hindi?"
Nailayo na nga ang usapan kay Gerquien ko pero saan niya naman nahalungkat ang tungkol sa grade seven lesson? Hindi nga ba ako nakikinig noon? Haler. Kung hindi ako nakikinig malamang ay hindi ako ang highest among Class 1 last year, ano! "At ano namang mayroon sa grade seven, ha?"
"Connotation and denotation. Nakalimutan mo? Denotation iyong may direct meaning sa dictionary habang iyong connotation ay tungkol sa isang word na may iba pang meaning, katulad ng dog ‘di ba? Sa denotation ang meaning ‘nun ay pet pero pagdating sa connotation ay nagiging man's best friend."
"Ano ngayon? Nakadepende kaya iyon sa definition ng bawat tao, basta ako may sarili akong dictionary. Gets?"
Napa-face palm siya dahil sa sinabi ko na para bang may mali doon kahit na wala naman. "Nag-umpugan na naman iyong tectonic plates sa utak ko dahil sa sinabi mo."
"Kitams, maging ikaw may sariling dictionary. Saan galing ang tectonic plates, ha? Eh nasa ilalim ng Earth iyon. Ito naman, wiling-wili sa lesson natin sa Earthquake, basta ako sawang-sawa na ako diyaan!"
"Sige lang, hindi ako nag-aabalang magtanong kung—"
"Hindi, wala talagang—"
Tumigil lang kaming dalawa sa pag-aaway ng biglang bumukas ang pintuan ng passenger seat. Passenger seat? Napakapit ako ng mahigpit kay Bebe Gurl ng biglang may duguang lalaki na pumasok sa loob ng passenger seat na inaakay ni Gerquien.
Magtatanong pa lang sana kami pero dumungaw bigla si Gerquien sa amin. "Kailangan nating pumunta sa hospital." Anunsyo niya sa amin bago tignan iyong lalaking inakay niya papunta sa passenger seat. "Ayos ka lang ba?"
"O-okay lang naman ako. H-hindi niyo na ako k-kailanganing dalhin sa hospital."
Gulat akong napatayo ng bahagya sa kinauupuan ko at sinilip ang mukha ng lalaking dinala ni Gerquien sa passenger seat. "Cedric? Cedric Rutherford?"
──────⊱◈◈◈⊰──────