Chapter 5

2614 Words
EILIA'S POV "Ba-bye, kuya Gerquien! Night, night!" Paalam ko kay Gerquien pagkababa ko ng kotse, nakangiti naman niyang inangat ang kamay niya sa akin bilang senyales ng pagpapaalam sa akin. Nakangiti pa rin ako ng isarado ko ang pintuan mula sa passenger seat bago siya ihatid ng tingin subalit mabilis na bumagsak ang ngiti sa mga labi ko ng mabuksan ko ang gate ng bahay at makapasok sa loob. Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang pagod ko ngayon, sa isang iglap nagpatong-patong lahat ng nararamdaman ko ng mga oras na iyon at iisa lamang ang resulta, hindi maganda. Tumuloy ako papasok sa bahay para salubungin lang ang kalat sa loob, ang mga sinampay sa labas ay hindi pa nakukuha, ang mga dumi ng aso malapit sa balcony ay nakakalit at pagpasok ko sa loob ng kusina, ni isa sa mga tao sa bahay ay wala pang nagsasaing. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako umakyat sa kwarto ko, saglit lang akong nagbihis bago nagmamadaling bumaba para magsaing at isunod ang paglilinis ng bahay. Gusto ko ng magpahinga. Subalit kahit na gustuhin kong magpahinga o mag-inarte man ngayon wala akong magagawa. "Tita," pagkuha ko sa atensyon ni Tita Meanne ng mapadaan siya sa harapan ko, nilingon niya ako ngunit mabilis dong tinalikuran. Sige Eilia, subukan mong sabihin na sila na ang magluto ng ulam, ikaw pa ang malalagot. Pero wala namang masama kung sasabihin kong sila na ang kumilos dito, sila na ang magluto kasi unang-una sa lahat pare-pareho kaming nakatira sa iisang bahay, hindi naman din sila bisita dito eh. "Tita!" Humabol ako sa kanya para lang makatanggap ng masasamang tingin. "Anong... gusto ninyong ulam?" Sa halip na sabihing sila na ang bahalang magluto ng ulam ang nabitawan ko ay tanong, tanong kung anong gusto nilang ulam. May magagawa pa ba ako? Wala namang ibinigay na tugon sa akin si tita kaya napakibit-balikat na lang ako sa sarili ko. Bahala sila diyaan, lulutuin ko anumang ulam ang gustuhin ko. Kapag nag-inarte sila iiwanan ko talaga lahat ng pagkain sa kanila. Magagawa mo?! Syempre agad-agad, hindi! Padabog akong bumalik sa kusina bago ihanda ang rekado habang isinasabay ko ang paghuhugas ng hugasin, hugasin na kaninang tanghali pa. Bakit kasi makikitira na lang hindi pa nag-aabalang tumulong sa gawaing bahay?! Siomai. Hindi ko alam kung anong lulutuin ko, ubos na ang stocks sa refrigerator kaya naman magtiis sila sa instant noodles, hindi rin naman sila nagbibigay ng pambili—ahhh iyon naman pala. Walang makain sa refrigerator maliban sa mga noodles na nasa drawers, hindi nila niluto kasi ayaw nila, excuse me, makikikain na nga lang kayo mag-iinarte pa? Taas noo kong isinalang ang tubig sa kalan. Noodles ang iluluto ko at wala kayong magagawa. Dadagdagan ko rin sana ng itlog iyong niluluto ko kaso sira na iyong mga itlog pagkabukas, gusto ko lang naman kumain ng inaasar sila eh! Pasado alas-nuebe na ng matapos akong maglinis ng bahay at magluto, pagod na pagod pa ako kaya naman pinili kong umakyat muna sa kwarto pero ng mapadaan ako sa sala ay pinaalalahanan ko pa sila tita na nakapagluto na ako at mauna na lang silang kumain bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko. Gusto ko ng matulog pero may mga assignments pa ako na kailangan tapusin. Subalit sa halip na ang pagtapos sa mga assignments ko ang dapat kong unahin ay mga luha ko ang nag-unahan sa pagbagsak matapos na lumapat ang likuran ko sa kama. Alam ko kung anong nararamdaman ko ngayon pero itatago at itatago ko pa rin ito sa sarili ko iyon nga lang kanina pa, kanina ko pa talaga gustong umiyak, gusto kong sabihin na natatakot pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko, kahit na alam kong hindi naman ako iiwanan ni Bebe Gurl oras na sabihin kong natatakot ako ay hindi ko pa rin magawang sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. I play dumb toward myself to avoid everything pero ganoon pa rin... wala akong napigilan sa mga nangyari, hindi ko napigilan na maitago lahat ng takot na nararamdaman ko ngayon dahil kahit anong tago ko sa nararamdaman ko ngayon ay sumisigaw pa rin ito ng kalayaan. Sumikat na ang araw sa labas ng magising ako, napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sabi ko ay iidlip lang ako sandali, bumangon ako sa kinahihigaan ko at naghilamos pero hindi kaagad ako bumaba sa halip ay sinimulan kong gawin lahat ng mga assignments na ipapasa ko, alas-otso na ng matapos ako kung kaya't ng bumaba ako ay ang tita at tito ko na lang ang naabutan ko sa baba, busy sa mga cellphone nila. Si Mommy paniguradong maagang umalis ng bahay, ang kapatid ko at mga pinsan ko tiyak na nakapasok na rin. Malalim akong napabuntong hininga ng wala akong maabutang pagkain sa kusina, hindi ko alam kung nag-iwan ba ng pera si mommy sa amin o hindi, wala akong makain dito kaya naligo ako at ang plano ko ngayon ay gambalain si Bebe Gurl. "Magandang buhay! Isang monay para sa kaibigan kong may pusong mamon!" Sambit ko na siyang ikinagulat ni Bebe Gurl na abala pa sa pagtitinda. Nginitian ko lang siya bago dire-diretsong pumasok sa bakery, sinilip ko pa si Mang Thomas sa kusina. "Mang Thomas~! Magandang Umaga po!" Nilingon niya ako at tinanguan lang ng nakangiti kaya dumiretso na ako kay Bebe Gurl at niyakap siya mula sa likuran. "Good morning~!" "Mmm... good morning din! Teka—Eilia!" Natatawa ko siyang binitawan bago ko kuhain ang hairnet at gloves para tulungan siya sa pagdi-display ng tinapay. "Kanina ka pa dito?" Tanong ko sabay salansan ng ibang tinapay sa tray. "Mga..." Inayos muna niya ang ilang tinapay bago ako sagutin. "Mga alas-cinco." Aniya kaya gulat akong napatingin sa kanya. "Ha? Kanina pa?" "Alangan mamaya pa." "Eh??? Iyong assignment sa Science, A.P, Filipino at Arts, may gawa ka na?!" Natatarantang tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya habang ako ito namomroblema ng wala sa oras. "S×raulo ka ba? Gawin mo na muna iyon—" "Sa school na lang, marami pa akong aayusin dito." Nginiwian ko siya bago talikuran at patakbong lumabas ng bakery. "Hoy! Eilia, saan ka pupunta?!" Sigaw sa akin ni Bebe Gurl pero hindi ko siya binigyan ng sagot, sa halip ay dire-diretsong akong tumakbo papunta sa bahay nila na malapit lang din naman sa bakery. "Tabi diyan!" Pabulyaw na sambit ko kay Amelou ng siya ang bumungad sa akin pagdating ko sa bahay nila Bebe Gurl. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. "Hindi ka pwede dito." "I am always welcome here," giit ko at pilit na pumasok sa pintuan nila na pupwedeng masira anytime na magpumilit akong pumasok. "Sabi ng best friend ko na gumagastos para sa luho mo!" Nagulat siya sa sinabi ko dahilan para mabitawan niya ang pintuan at makapasok ako, binelatan ko lang siya ng makapasok na ako. Kung nagpipigil si Bebe Gurl na pigilan siya dahil magkapatid sila puwes ako papatulan ko siya anytime. Para akong may-ari ng bahay na ito dahil dire-diretso lang akong pumasok paakyat kung nasaan ang kwarto nila. "Hi Athena! Hi Lotlot!" Bati ko sa mga kapatid ni Millicent at yayakap pa sana sila sa akin pero tinanggihan ko ang yakap nila dahil nagmamadali ako. Pagpasok sa kwarto nila ay kaagad kong nakita ang bag ni Millicent, kinuha ko ang ilang importanteng gamit bago ako nagmamadaling bumaba. "Hello Ate Eilia!" Magkakasabay na bati sa akin nina Bernadeth at Niva nang masalubong ko sila sa paglabas ko. Nang makabalik ako sa bakery ay dumoble ang hingal ko. Hinahabol ko pa ang hininga ko ng salubungin ako ni Bebe Gurl na salubong ang kilay na nakatingin sa akin bago ako abutan ng malamig na tubig. "Anong bang pinaggagawan mo?" Nalilitong tanong niya sa akin at nakangiti ko namang iniangat ang dala kong mga gamit niya. "Oh ngayon...?" Hindi pa rin niya na-ge-gets ang kalokohan ko kaya inabot ko muna ang hininga ko at saka siya sinagot. "Work well! Ako ng bahala sa assignments mo." "Eilia, nasisiraan ka na—" "Pabili pala ng cheesecake." Pagputol ko sa sasabihin niya sabay abot ng bayad ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magsalita sa halip kumuha na ako ng dalawang cheesecake at kinain iyon bago ko ilapag iyon sa table malapit sa mga tray. "Magkano pala iyong hot chocolate sa vending machine?" "Ako na ang gagawa ng—" "Ahhh! Five pesos nga pala, ano?" Dumiretso ako sa vending machine sa labas ng bakery at kumuha ng hot chocolate bago ako pumasok pabalik sa loob. "Where should I start—" "Eilia—" "Good morning!" Syempre sa iyo dapat ako magsimula. Nakangiti akong lumingon kay Gerquien ng marinig ko ang boses niya sa harapan ng bakery. Ang ngiti niya ay abot langit habang ang mga mata niya ay singganda ng sikat ng araw. "Anong sa iyo?" Sambit ko bago ibaba ang notebook ni Bebe Gurl na hawak ko. Ako, ako ang sa iyo... para sa iyo. "Bibili kasi sana ng baon sina Miasa at Eila." Sambit ni Ien kaya bumaba ang tingin ko sa dalawang kapatid niya na nakatingin pala sa akin. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis kay Eila, we are close kasi pero kay Miasa... kaaway ko iyan. Maldita siya syempre mas lalong maldita ako at todo-todo ang kamalditahan ko pagdating sa kanya, walang pipigil. Although ang hirap magpigil sa harapan ni Gerquien kapag nandyan si Miasa kaya naman most of the time ay iniiwasan ko na lang siya, with matching irap syempre, ano pa nga ba?! "Eila!" Sambit ko sa pangalan ni Eila kaya gulat siyang napatingin sa akin, I really like her name, para ba namang hinango sa pangalan ko eh, oh ‘di ba may connection talaga kami ni Gerquien. "Itong spanish bread ang paborito mo hindi ba? Don't worry ililibre na kita!" Mayabang na saad ko bago i-plastic ang dalawang egg pie para sa kanya. "Eilia... Eilia huwag na." Pinigilan ako ni Gerquien pero nginitian ko lang siya bago ko iabot kay Eila ang tinapay. "Babayaran ko pa rin iyan—" Inilabas ko ang pera ko at diretsong honulog sa lagayan ng pera ang bayad kaya gulat na napatingin sa akin si Ien. "Told yah, ako ng bahala. Saka inilibre mo naman ako ng pamasahe kagabi, isipin mong bayad ko na iyan. Minsan ko lang din namang ilibre si Eila." Marami pa sana akong sasabihin pero bigla kong naramdaman ang paglapat ng kamay ni Bebe Gurl sa noo ko dahilan upang dire-diretsong kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya na ang kamay ay nasa noo ko pa rin. "Bakit ang hyper mo ngayon? Kanina ka pa ah." "Ewan." Naiiling na saad ko at inalis ang kamay niya sa noo ko, nilingon ko si Gerquien at Eila, nginitian ko sila bago kawayan. "Si Bebe Gurl na muna bahala sa inyo, may assignment pa akong gagawin." Sambit ko bago bumalik sa dapat kong gawin. Binubuklat ko pa lang ang notebook ng lumutang iyon sa ere dahil inagaw sa akin ni Bebe Gurl. Aagawin ko pa lang sana sa kanya ang mga notebook niya ng kuhain na niya lahat palayo sa akin. "Huwag kang mangulit Eilia, ako na ang gagawa ng assignments ko." "Gusto lang naman kitang tulungan." "Kung gusto mo talaga akong tulungan, pumirmi ka diyan, dahil nahihilo ako sa pagiging hyper mo." "Hindi naman ako hyper eh." "Tumigil ka sa pagbulong-bulong diyaan, naririnig kita." Tuluyan na akong nanahimik sa isang sulok. Naglaro na lang tuloy ako sa cellphone ko habang hinahayaan siyang pagsabayin ang trabaho at paggawa niya ng assignments. Hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko, gusto kong libangin ang sarili ko pero hindi sa ganitong paraan, nabaling ang atensyon ko sa labas nandoon ang ilang mga kalaro namin, naglalaro ng patintero, lalabas sana ako ng bakery at sasali na makipagpatentero sa labas nang biglang mag-ring ang cellphone ko mula sa Plastizism. Salubong ang mga kilay ko na kinuha iyon dahil akala ko ay si Mommy ang tumatawag subalit lalo lamang nagsalubong ang kilay ko ng makitang tumatawag sa akin si... Cedric?! Bakit nga ba siya tumatawag sa akin dito? Paano niya nalaman ang username at user I.D ko?! Hindi ko sana sasagutin pero namalayan ko na lang na pinindot ko na ang answer button. "H-hello?" Nauutal ako ng wala sa oras—ang hirap magpaka-polite ganitong gusto ko siyang bulyawan pero baka katabi lang niya ang daddy niya kaya sige papakabait muna ako pero... nakauwi na nga ba siya mula sa hospital? Napakagat ako sa labi ko. ["Eilia, uhm... hi?"] "‘Wag mong sabihin na tumawag ka lang para mag-hi?" ["O-of course..."] "Of course?!" ["I-I mean of course... n-no! Gusto ko lang sanang itanong iyong tungkol sa lalaking tumulong sa akin kahapon sa court. May I know his name? Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat sa kanya."] Tumawag siya para itanong lang ang pangalan ng future ko? "Mmm... Gerquien. Gerquien Mosilliea ang pangalan." Napansin kong nakatingin sa akin si Bebe Gurl kaya umangat ang paningin ko sa kanya, tatanungin ko pa lang sana siya kung bakit pero bigla akong may na-realize kaya bahagya kong natutop ang bibig ko. Siomai! Banggitin mo raw ba naman ang pangalan ni Gerquien ng walang kuya! Siomai, Siopao, Suman! Pangit ng ugali mo Eilia. "Oo... iyon nga ang pangalan he-he." ["Okay, thank you."] Iyon lang at binabaan na niya ako ng tawag. Marahan kong naibaba ang cellphone ko matapos niyang ibaba ang tawag, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling itong pangungunot ng noo ko o sadyang gutom na talaga ako. Nga naman! Hindi pa pala ako kumakain. Hinagilap ko ang pagkain na kanina ko pa dapat kakainin ang kaso umabot ako sa pakikipag-away ng mababaw kay Bebe Gurl. Naupo na lang ako sa isang tabi habang kumakain at pinapanood si Bebe Gurl na simulan ang assignments niya, napapansin kong nahihirapan siya sa assignments namin pero ayaw niyang magpatulong sa akin kaya pilit kong itinikom ang bibig ko kahit na kating-kati na ako na magsalita. Iinumin ko pa lang sana ang hot chocolate na lumamig na ng mag-ring ang cellphone ko, halos mataranta pa ako ng kuhain ko iyon, ang hot chocolate muntikan pang kumalat sa sahig. "Hello?!" Anong mayroon?! Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. Malamang ay nagulat lang ako sa tawag na natanggap ko. "B-bakit ka tumawag ulit?!" Napasinghap ako bago tignan ang screen ng cellphone ko. Ano bang problema ng lalaking ‘to at naisipan niyang tumawag ulit sa akin?! ["Uh... naabala ba kita, sorry, nakalimutan ko kasing itanong iyong contact number ni... uhm... ano uling pangalan—uh—si Gerquien, yeah, pwede ko bang malaman kung paano ko siya ma-co-contact? Papasalamatan ko lang sana after nung nangyari kahapon, I haven't thank him personally kasi, actually hindi ko nga talaga siya nakausap kahapon at nabitawan man lang ng thank you..."] "Ohhh..." Hinihingi niya ang contact number ni Gerquien para pasalamatan?! Kapag nakatanggap nga naman kasi ng kabutihan dapat lang na magpasalamat, a simple etiquette. Magpasalamat... magpasalamat. "Ah, y-yeah! Hihingi muna ako ng permission sa kanya bago ko ibigay sa iyo iyong number niya, okay lang ba?!" ["Salamat, sige ibababa ko na—"] "Wait, wait, wait!" Sunod-sunod akong napalunok dahil sa isinambit ko, I suddenly had the courage to tell the things that I really wanted to say—ang kaso kag×gahan ko ang una kong pinairal. "Uhm... t-thank you!" Bitiw ko bago tuluyang patayin ang tawag. Pero sa pagbitaw ko ng salitang iyon hindi ko namalayan na unti-unti ko na pa lang kinahaharap ang resulta ng isa sa pinakamalaking kasalanan na nagawa ko. ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD