Halos gumapang ako palabas ng training room dahil talagang sinagad ako ni Tito Aidan sa aking limitasyon. Idagdag pa ang biglaang pag-atake sa akin nina Elena at Aglia na siyang dumagdag para pahirapan ako. Kahit si Zios ay natahimik na dahil sa labis na pagod ng aming naging pag-eensayo ngayong araw. "Arggh!" Nanghihina ako napahawak sa pader para gamitin itong suporta sa aking paglalakad paalis. Nang magawa ko buksan ang pinto ay biglang bumigay ang mga tuhod ko kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa pader at malakas na bumagsak ang aking buong katawan sa sahig. *Thud* Sinubukan ko naman tumayo muli pero para ako naging isang pagong na hindi magawang makabangon mula sa pagkakataob ng higa kahit anong subok ang kanyang gawin. "Damn this life," nahihirapan kong sambit at tumigil na la

