#03: A Case Must To Solve

1203 Words
September 03, 2020 POLICE STATION "Gon, nabalitaan mo na?" Kunot ang noong hinarap nya ang partner na si Benji. "Nabalitaan ang ano?" Tumikhim ito saka luminga-linga bago muling nagsalita. "Nanakawan daw yung Lexus Enterprise" pagkukwento nito. Tumaas ang kilay nya sa sinabi nito. Sino ba namang hindi makakaalam ng bagay na yun, isang linggo na ang nakalipas simula nang ireport ang kasong yun sa kanila. "Niloloko mo ba ako!?" Bored na tanong nya rito. "Matagal na yang kaso na yan, paanong hindi ko malalaman!?" Dagdag pa nya pero umiling ito. "Hindi yun, kagabi nanakawan ulit sila. Sa main bank account daw ng kumpanya nakakuha ng pera yung magnanakaw" paglilinaw naman nito. Binitawan nya ang hawak na ballpen. Sa sinabi nito ay naagaw nito ang buong atensyon nya. "Kagabi?" Tumango si Benji. "Nung last Week 50 million ang nanakaw pero mas nakakabigla ay kagabi, 300 million ang nanakaw" pagpapatuloy nito. "Hindi ba, hinigpitan na yung security nila pagkatapos nilang ireport yun nung nanakawan sila ng 50 million? Anong nangyari?" Nahihiwagahang tanong nya dahil nakakapagtaka naman talaga. "Yun nga rin ang ipinagtataka namin" tatango- tangong saad nito. "Hindi na sila mapakali, kahit malaki ang kinikita ngLexus Enterprise kada araw ay nag-aalala pa rin sila na baka manakawan ulit sila. Halos lahat ng prisinto nagreport sila, pati sa team natin humingi sila ng tulong pero tinanggihan yun ni Captain" Muling kumunot ang noo nya. "At bakit naman?, malaking kaso yun ah!?" Tanong nya. "Alam mo namang may tatlong murder case pa tayong hawak na hanggang ngayon hindi pa natin nareresulba. Sabi ni Kap, saka na tayo tatanggap ng panibagong kaso kapag natapos na natin yung mga naunang hawak natin" bumuntong hininga sya sa narinig. Oo nga pala, may tatlong murder case pa silang hawak. "GOOD MORNING CAPTAIN" sabay- sabay na bati nila Gon sa captain ng dumating ang nasa singkwentang edad na lalaki. "Good Morning, sa meeting room tayo bilis" walang paligoy-ligoy na pagbati at utos nito. Wala talaga itong sinasayang na oras pagdating sa trabaho. . . . "Kap, hindi ba natin tatanggapin ang kaso sa pagnanakaw sa Lexus Enterprise?" Bigla nalang tanong ng ka-team nilang si Sevi dahilan para matuon rito ang atensyon ng lahat. Tahimik lang na pinanood ni Gon ang reaksyon ng lahat, inikot nya ang hawak na ballpen gamit ang daliri nang mapatingin sa Captain. "Nandito tayo para sa murder case na dalawang buwan na nating hawak, why are you asking about other case while we're not even done with this old case!?. Saka na tayo tatanggap ng ibang kaso kapag natapos na natin 'to!" Mahabang sagot ng Captain. Tahimik lang ang lahat na gaya nya ay pinapanood lang ang kaganapan sa meeting room. Tumango-tango sya saka ibinaling ang tingin sa mga papel at litratong nasa harap nya. Kinuha nya ang tatlong litrato saka inayos batay sa pagkakasunod-sunod nito. Ang unang litrato ay isang babaeng natagpuang patay sa bathtub ng condominium nito. First victim: Ninna Quiero Cause of death: stabbed 13 times on her chest Crime Scene: Hies Condominium Anak ng isang mayamang negosyante Pangalawang litrato, ang sasakyang bumunggo sa truck na may lamang matutulis na bakal. Base sa unang imbestigasyon ay aksidente ang ikinamatay nito pero nung nailipat sa team nila ang kaso, nabago ang resulta ng imbestigasyon. Hindi yun aksidente kundi isang murder. Sinadyang banggain ng truck ang sasakyan ng biktima, nung una ay inakala nilang nangyari ang insidente nang atakihin ang driver ng truck sa puso pero hindi tumama ang oras ng pagkamatay ng driver ng truck sa oras ng insidente. Nang mangyari ang krimen ay isang oras nang patay ang driver kaya lumalabas na may ibang taong nagmaneho ng truck at sinadyang bungguin ang kotse ng biktima. Kinilala ang biktima bilang abogado, Attorney Rico Rivas. Ang pangatlong litrato ay isang lalaking natagpuang patay sa abandonadong factory. Putol-putol ang mga paa at kamay nito na para bang pinahirapan hanggang sa mamatay. Dahil narin sa tagong lugar ito pinatay ay naagnas na ito nang matagpuan. Napabuntong hininga sya. Mahirap talaga ang tatlong kasong ito. Ang huling biktima ay kinilala sa pangalang Jerimy Ocampo. Walang pamilya o kahit sino mang kakilala ang taong ito. . . . "GON!" "Detective Gon!" "Uh!? Huh?" Napakurap- kurap sya ng marinig ang pangalan. "Lutang ka dyan, kanina ka pa tinatawag ni Kap" imporma sa kanya ni Benji. "Ah, bakit Kap?" Hindi pa rin lubusang nakakabalik sa kasalukuyang tanong nya sa Captain. Tinignan lang sya nito ng seryoso bago ito nagsalita. "Tinatanong kita kung may naiisip kang paraan para mahuli ang killer sa mga kasong ito" tanong sa kanya ng Captain. He is about to open his mouth to speak but Sevi halted him. "You think, this 3 cases are connected? I mean, look, everything in this cases are different, even the murder method there's no clue or evidence can prove the connections on this cases. Baka, tatlong killer rin ang kailangan nating hanapin" Tumango ang halos lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sevi. Maging sya tumango rin at tumayo saka tinungo ang white board kung saan nakasulat ang mga info about the case. "You have a point, Sevi" panimula nya. "Wala akong maisip na paraan para mahuli ang killer, I'm telling this to you in advance " Napailing sya ng makita ang pagngisi ni Sevi. He then spoke again. "Ang gusto ko lang sabihin, let's analyze every basic info we have. Isang anak ng negosyante, an attorney and the nobody. Just like what Sevi said, No similarities" he encircled the three words he's pointing out. Now he encircled the crime scene. "Condominium, Highway, and abandoned factory, again no similarities" sabi ulit nya saka yung cause of death naman pareho lang rin, walang pagkakapareho. He then faced his teamate. "But how about the time when the crime happens, Midnight_" he encircled the date of murder. "Wednesday" ngumiti sya. Nanlaki ang mga mata ng mga kasama nya na para bang ngayon lang yun napansin. "We can't find similarities but what if we found a connections?" "Connections?" Out of nowhere Sevi asked. "Yeah, what ever it is but I think the killer is somewhat telling us something, What if, a killer's motive?" Napapunta sa kanya ang attention ng lahat na para bang pareho sila ng naiisip. "Are you guys thinking it was a Revenge? Revenge for something happens in Wednesday Midnight?" Tanong ni Benji. Walang sumagot pero mukhang yun nga ang naiisip ng lahat. "Fine, let's investigate about the victims connection. Kung sakaling tama kayo ng hinala na paghihiganti ito, kung sino mang nabiktima sa ginawa ng tatlong ito ay sya ang magiging pangunahing suspect." utos ng kapitan. Tumayo ng diretso si Gon at nang mapansing may objection si Sevi ay inunahan na nya ito. "It's just my suggestion nasa sainyo na kung gusto nyong sundin ang theory ko" then he looked at Sevi. "Chill out, Bro" nakangising sabi nya saka bumalik sa upuan. "But don't forget, this 3 cases are a case we must to solve" nakangising paalala nya saka kinuha ang gamit at lumabas ng meeting room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD