Clara's POV Kasalukuyan akong nakaunan sa dibdib ni Nate. Katatapos lang ng love making namin. We're both tired kaya naisipan muna naming magpahinga. Hinahaplos-haplos niya ang aking buhok habang seryosong nakatitig sa kisame na animo'y may malalim na iniisip. "What are you thinking?" Pagbabasag ko ng katahimikan. Hindi siya nagsalita na tila wala itong narinig kaya inulit ko ang aking tanong. "Nate? What are you thinking? Kanina ka pa walang imik diyan." "Ha? Ah wala akong iniisip. Napagod lang siguro ako. Matulog ka na. Dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at mas yumakap pa ng mahigpit. Mahal ko si Nate kaya ko ginagawa ang kabaliwang ito. Kinalimutan ko ang nakaraan dahil gusto kong magsimula ng panibagong buhay kasama siya. Kaya

