Nate's POV "Sir, tumawag po ulit ang Mommy niyo. May emergency raw po." My secretary said. Huminga ako ng malalim at niligpit ang mga papeles na nakakalat sa lamesa ko. "Paki-cancel nalang ang lahat ng meetings ko. I have to go." Sabi ko at pagod na naglakad papuntang sasakyan. Halos wala na ako sa sarili habang naglalakad. Sobrang pagod na ang katawan ko pero wala akong magawa kung hindi gawin ang dapat kong gawin. Last month, halos hindi ko naenjoy ang bakasyon namin ni Clara kakaisip kay Ciara. Tumaas daw ang lagnat nito kaya mabilis siyang dinala sa hospital. Naaawa ako kay Mommy dahil sigurado akong iyak na naman ito nang iyak sa pangyayari. Although, okay na si Ciara ngayon at malusog na, hindi ko pa rin kayang balewalain ito dahil anak ko siya at kadugtong na siya ng buhay ko

