Clara's POV Kasalukuyan akong nasa veranda, naalimpungatan ako kaya dito na ako dumiretso. Dahan-dahan lang akong tumayo kanina upang hindi maistorbo si Nate na kasalukuyang mahimbing na natutulog. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kapaligiran. Wala akong naririnig na kahit na anong ingay dahil siguro 2AM pa lang. Napatingin ako sa langit. Marami ang mga bituin ngayon na tila masaya silang nagpapaligsahan sa pag-kinang. Naalala ko ang baby ko. Sa totoo lang ay nanaginip ako kanina kaya ako nagising. I heard a little girl saying my name. 'Mommy Clara,' pilit kong hinahanap kung saan nanggaling ang boses na 'yun pero hindi ko ito makita. Hanggang sa may nakita akong bata na nasa 3 years old pataas ang edad. Hindi ko makita ang kanyang mukha pero paulit-ulit niyang binibigkas ang sal

