Clara's POV Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapagluto ng almusal para kay Nate. Halos hindi na nga ako nakatulog dahil maya't maya ay hinahawakan ko ang noo at leeg niya upang malaman kung mainit pa ito. Pagkatapos kong magluto ng almusal ay dumiretso ako sa kwarto upang tingnan si Nate. Mahimbing siyang natutulog kaya hindi ko muna siya ginising. Tumabi ako sa kanya at hinimas ang kanyang buhok. "Akala ko mawawala ka na sa'kin. Sobra akong nag-alala kagabi na para bang mababaliw na ako kakaisip kung nasa mabuti ka bang kalagayan. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag nawala o nasaktan ka ng dahil sa'kin Nate." Bulong ko. Naramdaman ko ang pag-galaw ng ulo niya at yumakap siya sa akin. "You're here." Mahinang bulong niya nang makita niya ako. "Oo. Gusto mo na bang kumai

