Clara's POV It's been 3 days pero wala pa ring pinagbago. Hindi namin makitaan ng sign kung kailan siya magigising pero malaki raw ang improvement niya dahil sa gamot na nilalagay sa dextrose. Halos hindi na ako umuuwi ng condo. Lagi lang akong nasa tabi niya. Dito na ako naliligo at nagpapalit ng damit. Dito na rin ako natutulog, kung minsan pa nga'y sa tabi niya. Hinaplos ko ang kanyang noo. Sabi ng doctor, kausapin ko raw siya baka sakaling marinig niya ako at magising na siya. "Kailan ka ba magigising? Three days ka nang walang malay baby. Parang tatlong buwan na 'yun para sa'kin." Ito na naman ang mga luha kong walang ginawa kung hindi traydurin ako. "I can't wait to spend my whole life with you. Wake up, please." Sabi ko habang nakalapit sa kanyang tenga at mahinang bumubulong d

