Clara's POV It's been two months, at hindi na muling nagparamdam pa si Nate sa akin. Aaminin ko, sobrang namimiss ko na siya. Last month ay nagpunta ako sa bahay nila. I just want to see him and Ciara pero ang sabi ng mga kapitbahay nila ay umalis na raw ang buong pamilya ni Nate doon. Hindi nila alam kung saan ito lumipat. Ngayon ko lang narealize na ang laki pala ng impact ni Nate sa buhay ko. I missed him so f*****g much. "Oh? Bakit hindi ka pa nagbibihis? Akala ko ba sasama ka kay Kelly magpasukat ng gown?" si Caleb. Bigla kong naalala na ngayon pala ang fitting ng gown para sa darating na kasal nina Kelly at Caleb. Si Kelly ang pakakasalan ni Caleb. Half pinay rin siya kaya magkasundo kami. Sobrang bait nito at halos wala akong narinig na reklamo galing sa kanya mula nang dumatin

