Clara's POV "Ms. Clara, your Mom is calling you raw po." Sabi ng secretary ko na kasalukuyang nakayuko. Alam kasi nila na mainit ang ulo ko. Hindi ko naman sila dinadamay sa away namin ni Nate. Hindi ko lang talaga mapigilang hindi mairita o mainis sa tuwing nakakakita ng tao sa paligid ko, dahil siguro nasanay ako na sa tuwing may problema, wala sa kanila ang pwedeng lumapit sa'kin dahil nakakatikim talaga sila ng mga salita at puro pagkakamali lang ang nakikita ko. Hindi ako nagsalita nang kunin ko ang cellphone sa kamay niya. Sinenyasan ko siya na umalis kaya dali-dali naman siyang naglakad palayo sa'kin. "Hello, Mom, kamusta po?" Pinasigla ko ang boses ko upang hindi niya malaman ang hinanakit ko dahil sa away namin ni Nate. Matanda na si Mommy kaya ayaw ko na mag-alala pa ito. L

