TWENTY TWO Amelic Tinungga ko ang bote ng alak bago binuhos ang natirang kalahati sa puntod na nasa aking harapan. Nang mabasa ko ang pangalang nakaukit sa lapida, gumuhit ang mapaklang ngiti sa aking mga labi. Daughlas Lindsey I lazily sat on the other grave and stared at Daugh's name, feeling all the emotions I kept on containing for weeks. Pero sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ko na kaya pa. Humugot ako ng malalim na hininga saka ito pinakawalan kasabay ng paghilamos ko ng aking palad sa aking mukha. The pain struck again, a little more this time. "I saw her today. Kasama niya si Shane sa Nieves...pero hindi ko nagawang lumapit. I'm afraid that she'll slap me with her harsh words again," natawa ako ng mapakla. "Masakit pa man ding magsalita 'yon." Sandali akong natahimik. Ang

