NAALIMPONGATAN bigla si Cindy ng makarinig siya nang umiiyak pasado 3:00am at napabangon siya bigla ng makitang si Sam ito habang nakaupo. " Bakit? May nararamdaman ka ba? " nag-aalala niyang tanong rito " Sandali lang tatawagan ko ang Kuya mo " pagkuha nito sa phone niya pero natigilan siya sa sunod nitong sinabi. " Hindi ko naman siya totoong Kuya e! Hindi naman ako ang baby girl niya! Hindi ako ang bunso niya! " Napatingin naman si Cindy rito habang umiiyak ito. " Ano bang nangyari? " Pagyakap niya rito. " Kasi Ate Cindy hindi naman ako totoong kapatid ni Kuya, hindi ako ang bunso niyang kapatid " iyak na naman nito " Si Timmy lang ang bunso niyang kapatid at hindi ako " niyakap na lang ito ni Cindy wala naman kasi siyang maitindihan sa sinasabi nito. " Imposible yon mahal na mahal

