Mula nang malaman ni Cindy ang sakit niya pinaka iwas iwasan na niya itong mapag-usapan at ang mga nararamdaman niya ay sinusubokan niya ring balewalain. Gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat at kung wala siyang mararamdaman na kahit ano baka sabihin ng doctor na nagkamali lang ito. Subalit kahit anong tanggi niya at pagbalewala sa lahat hindi niya maluluko ang sarili niyang lumalala ang nararamdaman niya habang tumatagal. " Magpapacheck up tayo ngayon ulit para mabili lahat ng gamot na kailangan mo " Pagkausap ni Sir Dem rito sinadya talaga niyang daanan ito sa bahay ni Erin iniiwasan kasi ito ni Cindy. " Para saan po? Okay naman ang pakiramdam ko Hindi na po kailangan " pagtalikod nito habang nakakunot ng noo masakit na naman kasi ang ulo niya. " Hanggang kailan mo itatanggi

