Ngayon nakatingin ako sa langit habang pinagmamasdan ang mga bituin, ayon sa mga hindi drama pagnamatay daw ang isang tao nagiging star ito, totoo kaya yon? maari kayang isa si Julian sa mga bituin na yan.
" Si Kuya na naman ba iniisip mo? " napaayos ako ng upo habang nakatingin sa langit sa may bintana nila Liya ng bigla siyang magsalita.
" Iniisip ko lang puwedi kayang sa mga oras na ito pinagmamasdan rin ako ni Julian? " pagtingin ko rito pagkwan binuksan niya ng maayos ang bintana at tumingin din sa taas.
" Sa tingin ko kung pinapanood tayo ni Kuya siguro nalulungkot siya ngayon " pagtingin nito saakin " Nawala si Kuya para sayo, para mabuhay ka, at hindi kung ano ka ngayon " pagsara niya sa bintana.
" Alam ko mahal mo si Kuya at hanggang ngayon ramdam ko yon at alam ko hindi ka masaya dahil nabubuhay ka pa rin sa mga alaala ni Kuya " Tahimik lang akong nakatingin rito bigla kasing naging matured at ano ba itong pinagsasabi niya " Cindy, bestfriend dapat maging masaya kana at magmove forward kana sa buhay na meron ka " pagngiti nito saakin.
" Masaya naman ako, na kasama ka, kayo, at ang alaala ni Julian at alam mong imposibleng makalimotan ko siya " pagtingin ko muli sa malayo.
" Hindi naman porket magmomove forward kakalimotan mo ang nakaraan mo o si Kuya syempre magtatampo din ako pagginawa mo yon pero ang akin lang ay sana maging masaya kana nalulungkot kasi ako tuwing naiisip kung anong buhay meron ka at saka malay natin balikan ka ulit ng pinagkaka utangan niyo at yong kay Kuya..? siguro nalulungkot yon ngayon hindi niya kasi ginawa kung anong nangyari sa kanya para magkaroon ka sa kanya ng utang na loob at isiping siya ang may dahilan bakit nandito ka pa ngayon pero ginawa yon ni Kuya dahil mahal ka niya at ang sa kanya ay maging masaya ka at mabuhay ng malaya pero kung patuloy kang magpapakulong sa buhay na meron ka at sa nakaraan parang sinayang lang din ni Kuya ang buhay niya para sayo " Hindi ko alam kung si Liya ba itong nagsasalita o sinong Yokai ang sumanib rito pero may punto siya at hindi ko alam bigla na lang nahulog ang mga luha ko tama nga naman siya pero parang ang hirap ng pinapagawa niya.
" Pero si Julian ay___ "
" Kung sakaling ikaw si Kuya at nakikita mo siya ngayon na nagkakaganyan sayo pipiliin mo pa bang mamatay para lang iligtas siya kung buong buhay rin naman niyang dadalhin ang ginawa mo para sa kanya? " napailing naman ako sa sinabi niya, syempre ayaw kong maramdaman ni Julian ang nararamdaman ko ngayon ang sisihin ang sarili ko kaya siya nawala at ang isiping pagtataksil ang tumingin sa iba at maging masaya sa kabila ng ginawa niya saakin.
" Kung ganon dapat maging masaya kana, hindi naman kami magagalit kung magiging masaya kang muli pero dapat wag mo kaming kalimotang mga nagmamahal sayo " pagyakap nito saakin kaya yumakap na rin ako rito grabe ilang months lang akong nawala ganito na ito ka matured.
" Pero gusto ko yong si Jeremy ba yon? " pabigla nitong pagtanggal sa pagkakayakap ko rito kaya napangiti na lang ako, sabi naba nasaniban lang ito ng Yokai kanina at hindi pa rin talaga ito nagmamatured.
" Kaya lang medyo may pagka-isip bata pero mukhang ang bait bait niya at mukha siyang anghel ang amo ng mukha " kinikilig pa nitong sabi " gusto ko rin siya para sayo " ngiti nito saakin natawa naman ako ano ba kasing pinagsasabi nito.
" Walang gusto yon saakin sadyang mabait lang talaga yon "
" Naku! Hindi mo nakita kung paano yon nag-alala nong malaman nilang nakuha ka ng pinagkakautangan ng mga magulang mo " ngumiti na lang ako rito mabait nga kasi si Jeremy at kaya niya yan nasasabi dahil hindi pa niya kilala si Jeremy kung marupok ka talaga iisipin mong gusto ka ni Jeremy e sa subra nitong kabaitan, sweet, at yong mga ngiti niya.
" Pero mas gusto ko yong si Aethan? " napatingin naman ako rito " Alam mo ba nong malaman niyang nakuha ka ng pinagkaka-utangan niyo kitang kita ko yong pag-aalala at takot sa mukha niya " pagkwan lumapit ito saakin " okay lang kung yon ang ipapalit mo kay Kuya ang cool niya kasi yong makalaglag short talaga, tas seryoso rin yong tipong ngitian ka lang bibigay kana, at mukhang ang talino talino niya at kagaya ni Jeremy mukha rin siyang Anghel na masungit " kinikilig pa nitong sabi kaya bigla kong naalala ang mga sinabi saakin ni Aethan nong nasa may puntod kami ni Julian hindi ko alam pero napangiti na rin ako.
" Tsk! matulog na nga tayo kung ano anong iniisip mo diyan e " pagtayo ko habang nakangiti naku! kahit sino naman magkakagusto kay Aethan tama yong sabi ni Liya na isang ngiti lang niya paglalamayan na talaga ang puso mo. At yon nahiga na nga ako at si Liya ito nagkukwento pa rin nakikinig lang ako habang dumadaldal siya hanggang sa kusa na itong nakatulog.
****
Ngayon nasa may harap kami ng TV hindi ko alam kung saan pumunta si Tita basta pagkagising namin wala na siya.
" Oy! Saan ka!? " sabi pa ni Liya habang nakangiting nanonood.
" Maglilinis na muna ako mamaya dumating si Tita "
" Mamaya pa yon si Mama sabi niya sa syudad daw siya pupunta alam mo namang malayo ang byahe rito " sabi pa niya pero hindi ko na pinakinggan at naglinis na ako nakakahiya na nga dalawang araw na nga ako nandito tas di pa ako tutulong sa gawaing bahay alam ko house wife si Tita pero dapat tulongan din namin.
" Sige na nga maglinis na muna tayo" pagkuha nito sa walis " Nga pala hindi pa ba tumatawag ang mga manliligaw mo? " pagtukoy niya kila Nathan, sa totoo niyan palagi nila akong tinatawagan sa tingin ko nga hindi na nakakapag-aral ng maayos si Jeremy ang tagal kasi nitong makipag tawagan kung hindi ko nga pinuputol hindi siya mapapagod si Aethan naman patuloy pa rin siya sa pagconvince saakin na bumalik sa School basta seryoso yong mga topic namin kunti lang magsalita pero yong nakaka blangko ng isip. At mga ilang oras dumating si Tita pagkwan may inabot siya saakin nang maka pagpahinga ito.
" Ano ito, Ma? " tanong ni Liya habang nakatingin sa envelop na binigay saakin ni Tita.
" Sa isang araw pupunta ka na nang Manila para mag-aral doon muli " nagulat naman ako sa sinabi ni Tita at si Liya kitang kita ko ang pagkatanggal ng mga ngiti niya.
" Binilhan na kita ng ticket papuntang Manila para mag-aral doon muli " hindi naman ako nagsalita pang muli " Hindi kana magpapanggap bilang anak ko kundi bilang si Cindy Gonsales, kinausap na ako ni Aethan at yon ang sinabi niya saakin " Tumango naman ako rito, hindi naman ako puweding tumanggi dahil binubuhay lang naman ako rito ayaw kong isiping ginagawa ito ni Tita dahil sawa na siya saakin dahil hindi siya ganon pero hindi ko maiwasang isipin e kaya naiiyak tuloy ako, natatakot kasi akong baka ano na naman ang naghihintay saakin doon at saka si Kristine yong usapan namin, e baliw pa naman yon pagnagalit.
" Wag mong isiping ginagawa ko ito dahil ayaw ko sayo o hindi ka welcome dito kundi dahil gusto kong gumanda ang buhay mo, gusto kong maging malaya kang gawin ang gusto mo, at sa Empire University lang ang susi doon at isang napaka gandang opportunity itong ginagawa ni Aethan para sayo " pagyakap nito saakin kaya mas lalong umagos ang luha ko.
" Salamat po " pag-iyak ko pa.
" Wag kanang umiyak, tahan na, mahirap rin naman itong ginagawa ko basta lagi mong tatandaan na puwedi kang bumalik dito kahit sa ano mang oras na gustohin mo alam mo namang anak na ang turing ko sayo " naiiyak ring sabi ni Tita, naputol lang ang dramahan naming ito ng biglang tumunog ang phone ko.
" Si Aethan " sabi ni Liya, inabot ko naman ito at sinagot.
" Good day, Cindy " seryoso nitong bungad saakin sabi naman sa inyo e.
" napatawag ka? "
" Pupunta ako diyan ngayon " nagulat naman ako sa sinabi niya.
" Huh? Pero bakit? "
" Para makita ka at sana sumama kana saakin pagbalik ko " sa totoo lang ang hirap niyang kausap ang seryoso kasi hindi ko nga alam kung kikiligin ako o matatakot pero ang sweet ng boses niya sa phone yong malumanay basta hindi masakit sa tainga.
" Hindi muna kailangang pumunta rito dahil pupunta na ako diyan sa isang araw " hindi ko alam pero ang tagal niyang sumagot napatingin pa nga ako sa phone ko kung naputol ang linya pero hindi naman.
" Sigurado yan?! " Hindi ko alam kung nagpipigil ba ito ng tawa pero ramdam ko parang nakangiti o ano siya naiba kasi ang boses niya.
" Oo kaya wag ka nang pumunta rito "
" Sige basta siguradohin mo lang na totoo yan" masaya nitong sabi pero nananakot pa e.
" Kung ganon papasok na lang ako ngayon, Balik tayo! " Narinig ko naman yong pagsagot ng kausap ni Aethan at mayamaya may sasakyang umandar.
" Nasaan ka ba? "
" Malapit na sana ako sa may Airport balak ko nga kasing pumunta diyan " nahihiya nitong sabi. At pagkatapos nang pag-uusap naming ito pakiramdam ko mabilis na lumipas ang araw ko rito sa probinsya at ngayon nasa may Airport na kami at nagpapaalam kay Liya pero ngayon hindi na siya ganon ka OA.
" Ngayong aalis ka na rito sana maging masaya kana Bestfriend " nakangiting sabi nito saakin.
" Cindy sana sa pagtapak mo sa Manila kalimotan mo na ang masasamang nakaraan mo rito at maging totoo kana sa sarili mo, yong walang Julian na kaya mo ito gagawin para sa kanya, ang gusto ko kung saan ka masaya doon ka at kung sakaling magmamahal kang muli pumapayag ako doon at kung ako ang papipiliin gusto kong makahanap kang muli ng mamahalin mo pakiramdam ko kasi hindi matatahimik si Julian dahil sa nararamdaman mo sa kanya" paghawak ni Tita sa ulo ko kaya napangiti na lang ako sa kabaitan nila saakin.
" Sige na, pumasok kana mamaya mag-iyakan na naman tayo rito, ang hapdi na nang mata ko " pagbibiro pa ni Tita at pagkatapos ng yakapan namin pumasok na nga ako sa airport. At hindi nagtagal dumating na nga ako sa Manila at ngayon nakatayo ako habang pinagmamasdan ang Manila, ngayon ko lang ito natitigan noong unang flight ko kasi rito para akong kriminal na umiiwas sa mga tao.
" Ngayon mamumuhay ako bilang si Cindy Gonsales, isang babae at walang itinatago at sana naman simula sa araw na ito gumanda na ang istorya ng buhay ko " pagkwan huminga ako ng malalim at ngumiti at naglakad na ako palabas.
" Wala pa ata si Kuya " paghinto ko sa paglabas ang sabi kasi ni Tita susundoin ako ni Kuya at hindi pa ata siya dumating pagkwan inayos ko ang maleta ko pero natigilan ako ng may pumaradang sasakyan sa harapan ko at kasabay nun ang pagbukas ng pinto nito at lumabas rito mula si Aethan at diretsomg tumingin saakin at nang matitigan ako namulsa ito ng kamay kaya ang cool tuloy niyang tingnan pero bago pa ako makaiwas ng tingin rito may bigla ding pumaradang motorbike sa harapan ko and it was Jeremy at ang cool lang din niya habang bumababa sa motor nito at tinatanggal ang helmet niya at napangiti ako ng sabay kumaway ito saakin habang nakangiti, okay na sana yon eh! Cool na siya pero sa bagay mas bagay din ni Jeremy ang ngumiti.
SOMEONES POV:
Alanganing nakatingin si Cindy sa dalawa habang nakatingin sila rito pagkwan pinuntahan nila ito.
" Kamusta ang byahe mo?" tanong agad rito ni Aethan.
" Okay lang naman " mahina nitong sagot pagkatapos nilang lumapit rito.
" Hindi ka nahilo? " tanong din ni Jeremy at umiling lang siya rito bilang sagot.
" Sumabay kana saakin " Sabay nilang sabi rito kaya nagkatinginan tuloy si Jeremy at Aethan.
" Nag-iisip ka ba Jeremy?! sa tingin mo kasya sa motorbike mo yang maleta niya? " nakakunot noo ritong tanoy ni Aethan pagkwan tumingin si Jeremy sa maleta ni Cindy.
" Oo nga noh, ah ganito na lang, sasabay saakin si Cindy tas sayo naman yong maleta " hindi nag-iisip ritong sabi ni Jeremy kaya ganon naman ang asar nito " May mali ba sa sinabi ko? " Inosente oa nitong tanong " Eh kasi Aethan may pupuntahan pa kami ni Cindy, malaki pa naman ang oras niya sayang naman kung didiretso siya agad sa school " sabi pa ni Jeremy.
" Kailangan niyang magpahinga " pagbalewala ni Aethan sa mga paliwanag nito at kinuha nito ang maleta ni Cindy kaya mabilis na pumagitna si Jeremy sa dalawa.
" Kung ganon saakin na siya sasabay at sayo na ang malita at saka mas fresh ang hangin kapag motorbike ang sasakyan mo " pagngiti pa ni Jeremy agad namang kinuha ni Cindy ang maleta niya kay Aethan at ngumiti sa dalawa dahil sa bangayan ng mga ito.
" Susundoin ako ni Kuya at sa kanya ako sasabay " at katatapos lang nitog magsalita ay dumating si Sir Dem.
" Andiyan na pala siya, sige mauna na ako " Paglalakad nito pero natigilan siya ng kunin ni Jeremy ang maleta niya at mabilis na dinala sa likod ng sasakyan ni Sir Dem.
" Salamat, Jeremy "
" Sus! wala yon " pagngiti niya rito sabay akbay.
" Ang kamay mo! " pagtanggal ni Aethan sa kamay ni Jeremy pagkatapos nitong akbayan si Cindy kaya napakamot naman ito ng ulo.
" Pasensya na Cindy hindi na nga pala ikaw si Julian na iniisip kong lalaki " Nahihiya nitong sabi habang kinakamot ang ulo niya.
" Okay lang yon, ano ka ba bestfriend nga tayo! " pagtapik rito ni Cindy kaya natawa naman ng palihim si Aethan pagkatapos ma-friendzone si Jeremy, kaya ito napahawak sa puso niya habang tangang nakangiti kay Cindy.
" Pumasok ka na Cindy " pagbukas ni Aethan sa pinto ng sasakyan nag-alanganin naman itong pumasok habang naninibago kay Aethan, hindi naman kasi ganito ang ugali niya.
" Kamusta ang byahe mo? " tanong rito ni Sir Dem ng makapasok siya.
" Okay lang po " nagulat si Cindy ng biglang pumasok si Jeremy at mayamaya si Aethan naman at ngayon nasa may gitna nila ito.
" Bakit nandito kayo? " nagtatakang tingin niya sa mga ito.
" Sasabay na lang ako sayo " sabi agad nitong si Jeremy.
" Kung hindi ka sasabay saakin edi sayo na lang ako sasabay " seryosong sabi ni Aethan kaya ganon na lang ang pagtataka nito sa pinaggagawa nila, naiitindihan pa nito kahit papaano si Jeremy pero hindi ang tulad ni Aethan para umasta ng ganito.
" E yong mga sasakyan niyo? "
" Driver ko na lang bahala nun " sabi ni Aethan tumango rin itong si Jeremy bilang panggagaya kaya hindi na nagsalita pa si Cindy at habang nasa byahe sila hindi niya maiwasang lingonin itong si Aethan habang seryosong naka upo, naninibago talaga siya rito e.
" Akala ko talaga ako ng lilipat sa probinsya niyo " napalingon naman si Cindy sa sinabi ni Jeremy.
" Akala ko kasi hindi kana babalik buti na lang napapayag ka ni Aethan " masayang sabi ni Jeremy.
" ah, Oo salamat nga pala Aethan " ngiti rito ni Cindy pagkwan liningon niya ito gamit lang ang mata niya.
" salamat! " maging si Jeremy napalingon sa sagot ni Aethan kay Cindy " hindi ka ba nagugutom? " pagbalewala ni Aethan sa mga tingin nila.
" Oo, kumain muna tayo siguradong napagod ka sa byahe " sang-ayon ni Sir Dem kay Aethan.
" Magandang idea nga po yan Sir " masayang sabi ni Jeremy habang excited sa kanilang lahat na kumain.
" E busog__ "grrrrrrr " hindi na tinuloy ni Cindy ang sasabihin niya ng tumunog ang tiyan niya para tumanggi.
" Saan tayo? " natatawang tanong ni Sir Dem balak pa kasing magsinungaling ni Cindy pero tiyan niya mismo ang nagsalita.
" Ikaw, Sir?! " Ani Jeremy na akala mo siya itong galing sa malayong Lugar para mas excited pa kay Cindy pagkwan tumango naman rito si Aethan bilang pagsang-ayon. At yon si Sir Dem na nga ang pumili ng kakainan nila at hindi nagtagal dumating sila at habang nasa byahe sila ni minsan hindi tumigil sa pagsasalita si Jeremy napakadaldal.
" Cindy gusto mo ito? " pagkuha ni Jeremy sa inorder nila, tumango naman si Cindy pagkwan nilagyan niya ito, gentleman din talaga si Jeremy s***h nagpapa sikat na din kaya si Aethan ito asar na asar habang dumadamoves itong si Jeremy. Kaya agad nasagap ni si Sir Dem ang malalamig na hanging tingin ni Aethan sa dalawa kaya ganon na lang ang lihim niyang panonood sa tatlo at palihim na tumatawa.
" Sige, salamat Jeremy! kain kana " nahihiyang sabi rito ni Cindy kanina pa kasi niya ito binibigyan ng pagkain.
" Sabihin mo lang kung may gusto ka pa "
" Tsk! bakit wala ba siyang mga kamay para sabihin pa sayo?! " Hindi nakapagpigil ritong sabat ni Aethan kaya gulat na gulat naman silang tumingin rito ni Cindy.
" Tama si Aethan " pagbawi ni Cindy sa naging reaction niya pero hindi naman nagsalita pa si Jeremy basta kumain na rin siya.
" Gusto mo? " tanong pa ni Jeremy kay Julian sa pagkaing kinakain nila habang may laman ang bibig niya.
" Oo ang sarap " pagngiti rin ni Cindy " tikman mo ito " paglagay niya ng pagkain sa plato ni Jeremy at agad naman niyang kinain yon.
" masarap nga " pagngiti nito " ito tikman mo rin Jul_ ay! Cindy " pagkuha nito sa pagkain pero bago pa niya yon malagay sa plato ni Cindy mabilis itong kinuha ni Aethan at kinain pero napanganga sila maging si Sir Dem akala mo kasi ano nang nalagay sa bibig ni Aethan pagkatapos kumunot ang noo niya paano kasi isda yong nakain niya, sa inis niyang panonood sa dalawa hindi na niya yon napansin.
" Aethan isda ata yon?" alanganing sabi ni Cindy dahil alam niyang hindi ito kumakain ng isda kaya pabagsak na ibinaba ni Aethan ang tinidor nito pero hindi ganon kalakas pero yong mararamdaman mong badtrip ito.
" Bakit may allergy ba siya sa isda? " nag-aalalang tanong ni Sir Dem, si Jeremy naman nag-aalala ring nakatingin kay Aethan habang nasa bibig nito ang isda.
" Wala, hindi lang ako mahilig " pagnguya pa nito sa isda at napayuko si Cindy ng mapansing hirap na hirap si Aethan sa pagnguya sa isda, napapapikit pa nga ito kaya ganon na lang ang pagpipigil nito ng tawa.
" Wag mong pilitin kung hindi mo gusto " katatapos lang magsalita ni Sir Dem ay tumayo ito at nagpuntang banyo habang si Cindy at Jeremy ay napalitan nang pagpipigil ng tawa ang kaninang pag-aalala nila rito.
" Kailan mo pa nalaman na ayaw niya ng isda? "
" Matagal na, ano ba kasing meron sa isda at ayaw niya " tawanan pa nila, nakakatawa kasi ang hitsura ni Aethan kaya pati si Sir Dem natawa na rin. At mga ilang minuto bumalik na rin si Aethan.
" Ano, okay ka na ba? " tanong rito agad ni Cindy tumango naman ito saka uminom ng tubig.
" Bakit kasi kinain mo bigla? Di ka man lang nagtanong " sabi pa rito ni Cindy, masama namang tumingin si Aethan kay Jeremy.
" Tsk! Bakit kasi panay abotan kayo ng pagkain?! may mga kamay naman kayo! " naiinis nitong tingin sa dalawa kaya si Sir Dem hindi na talaga niya napigilang matawa dahil ramdam nitong may ibang nararamdaman ang dalawang ito kay Cindy.
" I'm sorry, excuse me " pagtayo nito at pumuntang rest room bago pa mapalakas ang fawa niya.
" at saka kumain nga kayo ng tahimik hindi yong nagtatanongan pa kayo! Tsk! kung gusto niyong malaman ang lasa edi tikman niyo! hindi yong nagtatanongan pa kayo halos magsubuan na kayo ah?! " sabi pa nito habang asar na asar kaya tumahimik naman ang dalawa dahil may punto naman ito at mga ilang segundong nanatili sa kanila ang katahimikan pagkwan tumayo si Aethan.
" Sige na hintayin ko na lang kayo sa sasakyan " pag-alis nito, narealised kasi nito ang pinagsasabi niya at ngayon nahihiya siya.
" Bakit ko rin ba kasi yon sinabi, tsk! nakakahiya " pagsipa pa nito sa tire ng sasakyan kaya ito hawak hawak niya ang paa niya.
" ahhhh ang sakit " pagtingin nito sa paligid habang nakahawak sa paa niya pero natigilan siya ng makita niyang nasa likuran niya si Cindy.
" Ba-bakit nandito ka? " nahihiyang pagbaba ni Aethan sa paa niya habang hindi makatingin ng diretso kay Cindy.
" Tapos na kaming kumain " pagtingin nito sa paa ni Aethan pagkwan lumapit rito si Cindy ng mapansin niyang hindi niya ito maidapo ng maayos sa lupa.
" Anong nangyari ? "
" Wala, gusto ko lang hawakan ang paa ko " pagsisinungaling nito at alanganing ngumiti pagkwan tumitig rito si Cindy.
" Bakit? "Naiilang niyang tingin rito.
" Sabi mo dati para akong tanga pagnakangiti ng hindi totoo, tama ka, para ka ring tanga ngayon habang nakangiti " pagtawa rito ni Cindy pero sumeryoso naman bigla si Aethan kaya si Cindy tumigil na rin sa pagtawa.
" Biro lang " pagbawi nito sa mga tawa niya pero nagulat ito ng bigla siyang yakapin ni Aethan.
" Salamat at bumalik ka " sabi nito bigla at hindi malaman ni Cindy ano bang gagawin niya pagkwan tinanggal ni Aethan ang pagkakayakap niya rito at hinawakan niya ito sa ulo at marahang hinimas ang mga buhok niya habang nakanginiti ito sa kanya kaya nakatanga nakatanga namang nakatingin rito si Cindy pagkatapos magulat sa mga werdong kinikilos ni Aethan, Hindi ito ang Aethan na kilala niyang masungit at walang pakialam sa lahat.
" Cindy!!!! " Napalingon naman sila sa pagtawag ni Jeremy sa pangalan niya habang tumatakbo ito sa direksyon nila kaya agad ibinaba ni Aethan ang pagkakahawak niya rito.
" Si Sir? " Tanong agad nitong si Cindy.
" Susunod na rin yon " nagmamadali pa niyang pagpunta sa harapan ni Cindy " Nga pala pasensya na Cindy pero kailangan kong balikan ang motorbike ko, sa totoo lang iniwan ko lang yon doon sa airport, sana nga nandon pa yon " Pagngiti ni Jeremy rito habang nahihiya ng kunti dahil sa pagsisinungaling niya.
" Huh?! akala ko ba kukunin ng driver mo? " gulat ritong tanong ni Cindy.
" Kabibili ko lang doon kahapon, hindi pa alam ni Mommy kaya bawal mo nang malaman ng sino man sa mga driver namin, kailangan ako ang maunang magsabi kay mommy na bumili na naman ako para bawas sermon" paliwanag nito, pinapagalitan kasi ito ng mommy niya pagbumibili siya ng motorbike dahil napakadami na nitong motorbike at nabubulok na yon sa mansion nila, syempre kahit mayayaman marunong din naman sila manghinayang ng pera.
" O sige, mag-iingat ka "
" sige, Kita tayo bukas ah at tatawagan kita, Aethan mauna na ako " pagkasabi nun ni Jeremy sumakay na ito ng taxi at bumalik sa airport.
" Aethan, Cindy, puwedi bang kayo na lang muna ang umuwi? " pagdating ni Sir Dem habang nagmamadali.
" Po? Bakit Kuya? "
" May kailangan akong puntahang emergency, ito yong susi ibalik mo na lang saakin bukas itong sasakyan Aethan at puwedi bang ihatid mo para saakin si Cindy? "
" Sure po " pagkwan liningon ni Aethan si Cindy " Okay lang ba kung magtaxi tayo? "
" Oo naman " sagot agad nito.
" Are you sure? " Tanong agad ni Sir Dem sa naging desisyon ng dalawa, tumango naman rito ang dalawa pagkwan kinuha ni Aethan ang maleta sa likod ng sasakyan.
" Pasensya kana ah may kailangan lang talaga akong puntahan, don't worry babawi ako sa next " ngumiti naman rito si Cindy.
" Okay lang yon Kuya naiitindihan ko po " At pagkatapos ng pag-uusap nilang ito pumara na ng taxi si Aethan at umalis na sila pero ganon na lang ang pagtataka ni Cindy ng mapansin ang ibang direksyon na dinadaanan nila.
" Aethan bakit parang iba itong dinadaanan natin? hindi ito papuntang school hindi ba? "
" Hindi kana sa School titira " napatingin naman bigla si Cindy sa sinabi nito.
" Huh?! pero hindi puwedi yon " nag-aalalang sabi ni Cindy, ang iniisip niya kasi tulad pa rin ng dati ang buhay niya sa school yong libre lahat.
" Wala na ako doon kaya di ka na rin puwedi doon " seryoso pang sabi ni Aethan habang nakacross arm sa loob ng sasakyan at magkatabi sila.
" Anong ibig mong sabihin? " Pagtataka pa nito.
" Nakiusap ako kay Daddy na paaralin ka sa school sa kabila nang ginawa mong pagpapanggap na lalaki at sinabi kong mag-aaral ka dito ulit bilang isang babae and in other words malinaw na paglabag yon Cindy sa rule ng school namin dahil parang ginawan na kita ng card nun pero okay na rin naman yon dahil sa pangalan lang naman nagkaconflict dahil kung totoosin nag-aral ka naman talaga sa school namin yon nga lang hindi bilang ikaw kundi si Julian at pinakiusap ko kay Daddy na icontinue mo na lang yong grades mo sa pangalan ni Julian at ilagay yon sa card mo bilang si Cindy Gonsales at pumayag naman siya pero sa isang kondisyon sa bahay na ako muling titira " paliwanag rito ni Aethan at mababanaag mo sa mukha niya ang asar hindi kay Cindy kundi sa pagtira nitong muli sa bahay nila dahil nahihirapan talaga siyang tumira doon kasama ang tita niya.
" Kung ganon dapat hindi mo na lang ako pinabalik kung ikaw naman ang mahihirapan " ani Cindy dahil alam niya kung gaano kaayaw ni Aethan sa bahay nila o makasama ang stepmom niya " sorry " sabi pa nito pagkatapos mabasa ang masusungit nitong awra pero napatingin rito si Cindy nang gulohin ni Aethan ang buhok niya.
" Mas mabuti na yong malungkot kay sa mabuhay ng kulang at hindi makatulog sa kaiisip sayo at least doon makakatulog pa rin ako kahit papaano dahil naiisip kong bukas na pagpasok ko makikita kita " hindi naman alam ni Cindy ang sasabihin niya sa mga sinabi ni Aethan, alam niyang gusto siya ni Aethan pero hindi siya sanay na ganito ito sa kanya.
" At isa pa baka hindi umalis sa kwarto mo si Jeremy kung doon ka rin titira sa school " Pagbibiro pa ni Aethan para putolin yong awkward na hangin sa loob ng sasakyan " And don't worry about the expenses sagot pa rin ng school ang lahat nilabas lang kita sa school pero tulad pa rin ng dati ang buhay mo you just need to maintain your grade fir your scholarship ang pinagkaiba nga lang ngayon malaya ka, puwedi kang lumabas kahit anong oras at gawin ang kahit anong gusto mo " napangiti naman si Cindy kahit hiyang hiya siya sa mga offer ni Aethan dahil wala naman siyang choice kundi tanggapin.