ONE

2545 Words
3 years later... Yes, it's been 3 years since the last time I started college, and the last time I killed someone. But it doesn't end here, hindi ko pa sila napapatay lahat.  6 down, and 4 bodies to go... Balita ko nasa Pinas ang apat na natira. I need to go back and let them face death. Dun ko na rin itutuloy ang pagaaral ko sa kolehiyo. Ginagawa ko ang lahat-lahat upang makapagtapos ng pag-aaral at makuha ang hustisya na kailangan ko.   *KNOCK KNOCK*   "Come in," I said and faced the door. Nakita ko ang lola ko na grabe ang pagkalungkot sa mukha. I walk towards her and hugged her tight.   "Tuloy na ba talaga ang plano mo na bumalik apo?" ani niya na ikanatango ko ng bahagya. Gustohin ko man na dito na lang sa Los Angeles kasama ang lolo’t lola ko, hindi naman pwede. I have something to do and I don't want them to get involved in everything that I am about to do. Sila na lang ang natira sa'kin at hindi ko kakayanin kung pati sila mawala nang dahil lang sa pinanggagawa ko.   Hindi nila alam na nagtayo ako ng isang mafia organization. They don't have to know about that, madadamay lang sila kung meron silang alam. At yan ang hindi ko hahayaang mangyari.   "Okay then, dahil alam ko na hindi na talaga magbabago ang desisyon mo. I and your lolo will support you in everything. Basta magiingat ka dun, wag kang magpapagabi sa daan, dapat kang kumain sa oras, wag masyadong magpuyat, at matulog ng maaga." Tumawa ako ng mahina dahil sa mga pinagsasabi ng lola ko. I can't blame her this is the first time na mawawalay ako sa kanila ng malayo. Inaamin ko na spoiled ako sa kanila. "I will Lola, I will. And besides, you don't have to get worried. I can handle myself, I'm not a teenager anymore, remember? I'm already twenty-one," I said, and she just chuckled.    "Yeah, yeah, I know apo. Basta ha, magiingat ka dun." Embracing me with her all might, I can’t help but to chuckle and also do the same thing to her.   "Hep! Hep! Hep! Ano yan? Bakit hindi ako kasali ha?"  That's my lolo, naiinggit yan kay lola. Naalala ko nagtatalo yang dalawa kung sino sa kanila ang susundo sa'kin mula sa eskwelahan, at dahil natatalo yang si lolo kay lola, no choice kundi siya ang mananatili sa bahay habang si lola naman ang susundo sa'kin. Tsk! Lovebirds.   "Diyan ka lang Benjamin! Wag kang lalapit! Kami muna ng apo mo dito ha?" Sambit niya. "Honey naman, apo ko din yan. Pa hug naman ako, bukas na ang flight niyan"  "Lola," sabi ko habang, ninguso ang direksyon ni lolo. If you'll only see the face of my grandfather, matatawa kayo. Alam ko naman na hindi ako matitiis ni lola, kaya sa huli nagkayakapan na kaming tatlo. Ito ang mamimiss ko kung babalik ako sa Pinas. ----- "Van, wag mong pababayaan ang apo namin ha?" Si lola yan... "Yes po Mrs. Aurora Mercalli." Tumango si lola at binigyan si Van ng isang matamis na ngiti. Van is my right hand in mafia, kaya kailangan niyang sumama sa’kin papuntang Pilipinas. Wherever I go, Van must be present. Kailangan na naming pumasok, so I and my grandparents are exchanging hugs and kisses. We need to check-in and wait for our boarding. While waiting, nagsimula ng magsalita si Van, kating-kati na siguro ang dila nito. "Queen"   *glare*   "R-Rose pala" Tss, that was one of the big rules, never call me 'Queen' if we're in public places. Mahirap na, maraming nagkalat na mga tauhan ng mga nakalaban naming ibang mafia organization. "Rose, kaya mo bang bumalik sa Pinas? I mean, marami kang naiwang masasakit na alaala dun," Van knew kung paano ako nasaktan ng mga panahong yun. Pero kung ito lang ang natitirang paraan para makuha ko ang hustisyang kailangan ko, nakahanda ako. "I can handle myself Van. You think babalik ako dun kung hindi ako handa?" Tumango-tango siya habang nakangisi na ikinairap ko. "That's our Queen," pabulong niyang sabi. I can't help but to smirk, even though he annoys me most of the time, it doesn’t change the fact that he was present during my downfall. He's been my best friend since then, a childhood best friend to be exact. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Boarding na kami at wala akong ibang magawa kundi ang matulog. Mabuti naman at hindi na nagsalita si Van, minsan kasi maiiba ang usapan at mapupunta sa mga babae niya, tsk! Babaero talaga ‘tong lalaken ‘to.   -----   "Rose, Rose, nandito na tayo" "Hmmm" "Tsk! Tulog mantika, Rose tayo na lang ang tao sa eroplanong toh uy!" Hindi ko alam na pwede din palang gamiting alarm clock ang bibig ni Van? "Oo na," this crazy man! Pasalamat siyang wala akong dalang baril dahil kung hindi, kanina ko na siya hinahabol ng bala. Nasa labas na ako ng NAIA Airport at bumabalik sa'kin ang masasakit na alaala na minsan ko nang gusting kalimutan. Hindi ko alam, pero parang may gusto akong gawin ngayon. "Van, where's the motorbike? I need it right now" "Okay, I'll just call someone to get it." I nodded in response then Van dialed something in his phone. "Oh! Andiyan na," sabi niya habang tinuturo ang papalapit na motorbike. He knows what I want huh? It's an all-white big motorbike. I automatically hopped in and start the engine. "Just leave me a message kung saan ang exact location ng titirhan ko" "Yeah, whatever." Tss! Mabuti na lang talaga at motor ang pinili kong sakyan, dahil ang traffic talaga dito sa Manila, muntikan na nga akong maligaw. It's been a decade since the last time and numerous infrastructures are built that changed my perspective in a specific area. Nang makarating na din ako sa balak kong puntahan, dumaan muna ako sa isang flower shop. Napag-isipan ko na rin na bumili ng mga kandila at posporo. Habang papalapit ako sa eksaktong lugar kung nasan sila, hindi ko maiwasan na mapalunok. I placed the flowers over them and lighted a candle. I can't bear it anymore, tinitigan ko lang ang puntod nila pero umiiyak na'ko.   Elizabeth Mercalli and Arthur Mercalli   Yan ang nakasulat sa puntod nila, ang sakit isipin na wala na talaga sila. "Hey, mom, dad, how are you? Isang taon na lang mom at makakagraduate na'ko." I said with a smile and a tear.   "I'm sorry if I didn't protect you that time. Wala kasi akong sapat na kakayahan para maprotektahan ko kayo ni dad noon.” Naikuyom ko ang aking kamao habang inaalala ang mga pangyayari noon. “I promised to give you justice.” Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin nila, I decided to leave the place. Also, Van already texted me the address where I'll stay.   Habang nagmamaneho, nakita ko ang isang club. It's already quarter to 8, halos tatlong oras din akong nanatili sa sementeryo. It's not bad if I'll just drink a little right? As I entered the place, a piece of lively music, a cloud of smoke from a cigarette, and the smell of alcohol welcomed me. Wala pa lang alas otso pero halos mapuno na ng tao ang loob. Most of them are already wasted and some are making out. Hindi na'to bago sa'kin.   I go towards the counter and take a seat for myself. Ayokong makipagsiksikan sa mga tao sa gitna, iinom lang naman ako ng kaunti.   "What's your drink gorgeous?" It's the bartender. Titig na titig siya sa'kin habang nakangiti na halos aabot na sa magkabilang tainga niya. He’s staring at my eyes for almost a minute without blinking. "Just give me a Martini," I coldly said. Napakurap naman siya ng bigla akong nagsalita. He nodded as his response and flashed me his seductive smile before taking my drink. While waiting, I felt something strange. Parang may tumitingin sa'kin mula sa likod, kaya nilibot ko ang aking paningin sa paligid. "A Martini for this gorgeous girl." Biglang nabaling ang aking atensyon sa bartender nung sinabi niya yun. My order is ready, so I took it and take a sip. Pero hindi pa ako nakuntento, bumili pa ako ng isa. I roamed my eyes again around this place and finally caught someone who’s looking behind my back since the moment I took a seat in this counter. I didn't know him, he's not one of the mafias that we encountered. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil nasa madilim siya na parte ng club. May kasama siyang ibang lalake na nagiinuman sa table nila. I saw him took the beer from the table and drink it without breaking our eye contract. He's still staring at me, so I did the same thing towards him. He looks like he examined every inch of my face. Nung dumating na ang order ko, I drink it and left a bill on the countertop. Lumabas na'ko sa club at pumunta sa address na tinext ni Van sa'kin.     Who's that guy?   "Hey Queen!" - Adam "Long time no see Queen!" - Tristan "Wassup" - Lance "Welcome back" - Sebastian    Yan ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko sa bahay na titirhan ko dito sa Pilipinas. I admit it, this house is huge for me. It was a modern house. Kaya pala ang daming sasakyan sa labas, eh nandito pala ang mga unggoy.   "What are you guys doing here?" Sabi ko habang magkasalubong ang kilay.   "Queen naman, isn't it obvious? We're staying here for good!" That's Tristan. Sabi ko na nga ba, hindi naman pipili ng malaking bahay si Van kung ako lang ang titira.    "Anong pinagsasabi niyo diyan?!"    "Awe, we miss you too Rose! Our little sister!!" - Adam   "Group HUGGG!!" - Lance   What the f-ucking hell?! IDIOTS!   "Let.. go of me... f-uckers..!"    "Namiss ka talaga namin Rose kahit bumibisita kami sa'yo sa L.A." - Tristan   "I know, just please let go of me you 3. I'm tired."   "Okay," - may ngising sambit ni Adam. Nung nakawala na ako sa yakap ng tatlong ugok na'to, isa-isa ko silang binatukan. They even tried to dodge it, pero mas mabilis talaga ako. Oo, ganito kaming anim minsan at ako lang ang isang babae sa grupo. If we're in a serious situation, seryoso kaming lahat. They were the one who helped me in establishing my own mafia. Each one of them belongs to a wealthy and influential family. Kaya lang, sobrang hangin talaga ng tatlong to, pati na rin si Van. Si Sebastian lang ata ang kasundo ko sa mga bagay-bagay.   "What was that for?" - Adam "Grabe ang bilis mo padin Queen" - Tristan "Queen naman eh! Nasira buhok ko, tsk!" - Lance   Aba't!    "Hoy hoy hoy! Tama na yan, pagod na si Rose, atsaka nag pa deliver na din ako ng pagakain," said Van. Nakita ko siyang papasok pa lang galing sa pool area. Ayos din ‘tong napiling bahay ni Van ha? "Yown oh!"  "Ayos, may pagkain!"   Tss, mga patay gutom. Dumiretso sila sa may kitchen area habang ako naman ay pumunta sa pool area. Gusto ko munang lumabas at magpahangin. Nang lumabas na'ko, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa lawak neto. Malaki ang pool at mahangin din, may maliit na garden naman sa kabilang side ng area. Van is really good at choosing property, what do you expect from the engineer himself? "Hey." Napalingon ako sa likod ng may biglang tumawag sa’kin. Nakita ko si Sebastian na naglalakad papunta sa aking direksyon habang nakapamulsa. Di na'to bago sa'kin, he's still the cold Sebastian I knew.   "Hey," I said with a genuine little smile formed on my lips.   "How are you?" he asked. Deretso lang siyang nakatingin sa paligid at nilingon ang aking direksyon, naghihintay sa aking sagot. "Still breathing," I said. He just nodded while flashing his smirk, tss. Nakakairita din pala siya minsan. “I'm happy that you're back, Meire," he said. Agad naman akong napatingin sa kanya na nakatingin pa rin sa'kin. Among all the 5, Sebastian is the only person who called me by theat name while the other called me ‘Rose’. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko na lang siya. Nasanay na rin ako na ganyan ang itawag niya sa’kin. A genuine smile formed on my lips again. It's been a decade since the last time I stayed here in the Philippines. 3 days after the burial of my parents, my grandparents decided to take me to Los Angeles with them. Mula noon, ngayon lang ulit ako nakabalik ditto. "Ako rin Dale, masaya rin akong nakabalik dito."  He gave me his genuine smile after he heard what I said. He grabbed my arms, and gave me an embrace. Nung una nagulat ako sa ginawa niya, pero hinayaan ko na lang din. "Nagbalik ka nga," he said. I just chuckled and hug him back. Yeah, I call him Dale, I prefer to call him by his second name.   Nakita ko ang isang pistol sa likod ng pantalon niya kaya agad ko itong kinuha, hindi man lang siya umangal. I pull the hammer and aimed the glass door inside the house. Akala siguro ng apat na unggoy na'to di ko sila mararamdaman. I can feel their presence behind that glass door. I don’t know if Dale noticed them from this distance, pero ako? Ramdam na ramdam ko sila.   "Labas." I coldly said, still aiming at the glass door.   "Labas!" sabi ko ulit, pero hindi parin talaga sila lumabas. I deicided to pull the trigger ang shoot the outdoor floor. Ayoko namang may masira sa loob ng bahay, kaya napagdesisyonan ko nalang na sa labas ko iputok. "Labas sabi! Ano, hindi kayo lalabas?! Hahabulin ko kayo ng bala!" Pagkasabi ko nun, agad na lumabas ang apat na unggoy mula sa tinataguan nila habang nakataas ang dalawang kamay bilang pagsuko.   "What are you guys fcking doing behind that fcking glass door? Are you trying to fcking eavesdrop?" I said, still controlling my emotions to burst out.   "N-no Queen, i-it's not what think." - Tristan   "Then what?"   "Ah, k-kasi... ahmm... ikaw na Lance." - Tristan   "Anong ako?! K-Kasi naman... Ano… N-Nag nagseselos kami," sabi ni Lance, anong selos? What the fck are they talking about? Bakit naman sila magseselos?    "Kasi naman Queen, si Sebastian niyakap mo. Eh kami? Hindi mo kami niyakap kanina. Ramdam na ramdam ko talaga na may favoritism sa grupong ‘to, ramdam na ramdam ko talaga mula ulo hanggang p—hmmpfmhp! " naputol ang dapat sasabihin ni Adam ng biglang takpan ni Van ang kanyang bibig. Ibinaba ko na ang baril at nilapitan ang apat. Isa-isa ko silang niyakap, kasi naman ang babaw ng rason diba? Pagkatapos ko silang niyakap lahat, nakita ko kung gaano ka lapad ang mga ngiti ng mga unggoy na'to. They are CRAZY!   "Happy?"   "Very!!" - ang mga unggoy.   Agad kaming pumasok sa loob nang marinig namin ang isang doorbell. Dumiretso ako sa kusina habang yung iba naman ay naguunahang pumunta sa pinto, mga patay gutom!   Nagsimula na kaming kumain habang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Ito ang namiss ko at sa sandaling ‘to, nalimutan ko ang sakit at galit na namumuo sa aking kaloob-looban, at dahil yun sa mga kaibigan na nakapalibot sa'kin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD