MEREDITH'S POV "Don't you ever dare touch her!" sigaw niya atsaka sinuntok ang matanda sa panga na agad ding humandusay sa sahig, sanhi ng malakas na suntok niya. Natigilan ang bartender, at napatingin sa matanda na wala ng malay. Agad namang lumapit ang isang bouncer atsaka tiningnan si Marco. Tumango lang lang ito sa kanya atsaka kinuha ang matanda sa sahig. At dahil wild ang mga tao dito sa loob, wala ni isa man lang ang nakakita sa ginawang pagsuntok at pagsigaw ni Marco sa matanda, pwera na lang yung bartender, at ako. "May ginawa ba siya sa'yo, Meredith?" tanong niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa mata ko. Umiling ako bilang sagot. "Diba sabi ko na wag kang lalayo sa'kin? Now look what happened," sabi niya atsaka pinadausdos ang kanyang kamay sa bewang ko at nag

