MEREDITH'S POV Kakatapos ko lang magbihis kaya lumabas na ako sa girl's changing room dito sa backstage. Pagkalabas ko, naabutan ko si Marco na parang may hinihintay. "Oh, Marco, anong ginagawa mo rito?" "Hinihintay kita para sabay na tayong pumunta sa parking lot." tumango ako sa sinabi niya atsaka naglakad kasama siya. Palabas na kami ng backstage ng may tumawag kay Marco, kaya sabay kaming napatingin sa lalakeng nakaformal suit. Siya 'yong isa sa mga judges at nagabot ng trophy sa amin kanina. "Dad," narinig kong sabi niya sa lalakeng nasa early 50s. Naglakad papunta sa amin ang ama ni Marco atsaka kami ningitian. "Hi son," bati ni Mr. Neumann sa kanya, atsaka tumingin sa'kin. Sa mata ko, pala. "Hello, young lady." nakipagkamay ako sa dad ni Marco at binati din siya.

