MEREDITH'S POV Sunday ngayon kaya naisipan kong maagang gumising para mag-jogging. Ilang buwan na akong nakatira dito, pero kahit kailan hindi ko nagawang libutin ang buong subdivision. I opened the main door of the house, then a cold breeze welcomes me and touches my skin. Medyo gininaw ako, pero napagdesisyonan ko parin na ituloy. Palabas na ako ng gate ng may narinig akong kung anong ingay sa loob ng garahe. My forehead turned into creases. Mabagal akong lumapit sa garahe para matiyak ko kung sino ang naroon. Nung makalapit na ako dito, may nakita akong limang pigura ng tao. At dahil madilim-dilim pa, hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Imposibleng mga unggoy ito, dahil hindi sila maaga gumugising. Well sometimes, but most of the time, they didn't. I roamed my eyes on the en

