MEREDITH'S POV "Is everything set?" Napalingon kaming lima kay Dale na nakaupo sa hood ng kanyang kulay itim na kotse. Sabay-sabay kaming tumango atsaka naglakad sa kanya-kanyang kotse, habang ako naman ay lumapit sa sasakyan ni Dale. "Let's go?" sabi niya atsaka ako pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. He started the engine and drove as fast as he could away from the house. Hindi naman ako nangangamba sa tuwing bibilisan ni Dale ang pagpapatakbo ng kotse niya, dahil may tiwala ko sa kanya... Pero hindi ko parin maiwasang mapaisip na may tinatago siya sa'kin... May tinatago sila sa akin. "Hey are you alright? Kanina mo pa ako tinititigan. What's wrong?" Napakurap ako nang bigla siyang magsalita, pero nakatingin paring siya sa daan. "

