MEREDITH'S POV "Alis na'ko!" sigaw ko sa mga unggoy palabas ng bahay. This day is like the old ones. Parang ordinaryo lang na araw sa karamihan. "Teka lang! May nakalimutan ka!" rinig kong sigaw ni Lance sa loob ng bahay. Kaya inis ko siyang nilingon. "Ano?" sabi ko habang nakakunot ang aking noo. "Kiss namin," at ngumuso pa yung gag*. Inis ko namang pinakita sa kanya yung kamao ko. "Sapak gusto mo?" "Hehe, 'to naman di mabiro. Sige, babay!! Ingat ka sa pag-drive ng motor lil sis!!" umirap ako sa kanya at sumakay na sa motor. Binuhay ko ang makina ne'to at nag-drive na palabas ng subdivision. As usual, maaga-aga ako ngayon. Pagkatapos kong i-park yung motor, dumiretso na ako sa una kong klase. Pero bago ako pumasok sa loob, may nakita akong lalake sa may hallway na

