MEREDITH's POV Masaya kaming kumakain ngayon sa hapag kainan ng mansion, napakaraming iba't-ibang putahe ang nasa mesa. Rason ni dad na hindi raw niya alam ang paborito kong ulam kaya nagpaluto siya ng ganito kadaming pagkain. "I told you dad, walang paboritong pagkain si Meire. Kung ano ang nasa mesa, kinakain niya. She's not a picky eater, as long as it tastes good she's gonna eat it," sabi ni Dale na ikinatango ko naman. "Opo tama si kuya, dad," pagsasang-ayon ko sa kapatid ko na nasa tapat kumakain habang si dad naman nasa gitna namin. "Fine, I concede defeat." Bahagya akong napatawa sa sinabi niya ng bigla niyang itaas ang kanyang dalawang kamay bilang pagsulo.. Kanina pa kasi silang Dale nagtatalo, kesyo daw imposible na wala akong paboritiong pagkain, baka raw pagdadahilan lang

