Chapter 71 Conquers all Napagdesisyunan namin ni Calix na magpa-enlist na para sa second semester. Kaya naman nag punta kami sa Chandford University ngayong araw. Pagdating namin doon, kaunti lang din ang mga estudyante kaya naman mabilis din kaming nakapag pa enlist. "Nakaka miss yung bahay niyo, Cal." Out of the blue kong sabi habang nag lalakad na kami palabas. "Yung bahay talaga? Hindi ako?" Hindi ko alam kung seryosong tanong iyon o biro lang niya... "Syempre, ikaw din! Pati si Tita.. pati nga sila Yaya e." sabi ko. Mag sasalita pa sana ako ngunit may isang matangkad na lalaki na tumambad sa harapan namin ni Calix. "Abigail.." tawag nito. "Please... mag usap naman tayo." Kumunot agad ang noo ko. Ano ba ang gusto niyang pag usapan namin?! "Sinabi ko na sayo hindi ba? Wala tay

