Chapter 62 Boracay Blues What the hell? Bakit ba siya ganyan? Ano naman sa kanya kung mag bathing suit ako?! "Christan, hindi mo ako girlfriend. Bakit hindi mo kay Bobbie ipasuot yan?" Aalma na sana siya pero biglang dumating si Calix. "What's happening here?" tanong nito. Hawak ko pa rin 'yung shirt na inabot ni Apxfel kaya sinuksok ko na lang agad sa bag ko iyon bago pa makita ni Calix. "Wala... Umm ano, ready ka na?" pah segue ko. Tumango siya. "Ayusin ko lang saglit 'yung dadalhin ko." anito. Maya maya ay lumabas na rin si Bobbie mula sa CR. Naka one piece siya tapos ay naka tapis sa baba. Tinignan ko 'yung reaksyon ni Apxfel, kung ipipilit din niya kay Bobbie na mag suot ng shirt pero hindi, e. Wala. Nag ngitian lang sila. Bakit sa'kin ganoon siya?! Halos parehas lang nam

