Chapter 46 When Destiny Plays Umuwi na kami ni Calix at hindi na tumuloy pa sa ibang mga klase namin. I was so lost. Parang pag tumuloy pa ako sa klase at makita ulit si Apxfel ay hindi ko na kakayanin. Bibigay ako kaagad. Sabi ko nga kay Calix ay ako na lang ang uuwi, pero ayaw niya. Sasamahan daw niya ako. Pagdating sa bahay, pumunta na ako sa kwarto ko. And the moment I closed my door, is the moment I cried out my pain. Destinty is playing me. Isn't it? Kinabukasan, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi na lang. I almost slap my self. 'Hindi ka na nga tumuloy pumasok kahapon tapos hindi pa din ngayon? Baliw ka ba?' sabi ko sa sarili ko. Bigla kong naisip na hindi tamang umiwas ako ng umiwas sa sitwasyon. Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Inaantay ko ito, hindi ba?

