Chapter 52 Just A Moment "Sakay." sabi ni Apxfel na hindi nakatingin sa'kin. Agad namang bumilis ang t***k ng puso ko. Ako lang naman ang nakatayo dito, siguro naman ako ang sinasabihan niyang sumakay. "Ay hindi na.. okay lang." sagot ko naman. Parang ang awkward pa ng pagkakasabi ko, ewan ko ba! "Ihahatid na kita sa bahay mo. Sumakay ka na." anito. Parang hindi naman niya ako inaaya, inuutusan niya na ako. "Hinda na nga... mag aantay na lang ako ng-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag salita siya muli. "Kung hindi ka sasakay, bubuhatin kita ngayon din para ipasok dito sa kotse ko." saad nito. Seryoso ba siya? Ano ba ang trip niya? Ano ba ang trip ng Universe?!! "Apxfel... ano ba ang-" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ng lumabas na siya ng kotse niya. Napa

